“OH, anong plano mo ngayon? Alam na ng Ate mo ang totoo,” tanong naman ni Axel kay Maliyah. “Ano pa nga bang magagawa ko, mukhang naisahan ako ng Chavez na ‘yon. Hindi ko kasi talaga dapat ipinagkatiwala sa ospital na ‘yon ang Ate ko. Eh di sana ngayon kasal na kayo,” wika niya habang humihithit siya ng sigarilyo. Nasa gilid lang sila ng kalsada dahil wala naman silang sasakyan. “Saka, bakit ba parang wala lang sa ‘yo ‘yong nangyari?” Galit na baling niya rito. “Una pa lang naman tanggap ko na, ilang buwan na rin kaming hiwalay ng Ate mo saka kahit hindi na niya naaalala ‘yong Zev na ‘yon, ramdam na ramdam ko na hindi na ‘ko ang mahal niya,” seryoso namang tugon nito. “Masakit siyempre, pero ako naman kasi talaga ‘yong sumayang ng relasyon naming dalawa. Ako ‘yong malaki ang pagkukulang

