NAKAHINGA nang maluwag si Maliyah nang makalabas na sila ng airport ni Axel, para na kasing hinahalukay ang sikmura niya sa sakit. “Ano?” tanong sa kaniya ni Axel. “Anong ano?” iritable namang sagot niya. “Anong plano mo? Ilang beses mo na nararamdaman ‘yang pananakit ng sikmura mo na ‘yan, bakit ba kasi hindi ka pa magpa-check up?” sermon naman nito sa kaniya. “Simpleng acidity lang naman ‘to bakit ba kasi namamakialam ka pa!” bulyaw niya rito habang nakahawak pa rin sa sikmura niya. “Eh, di ba aalis ka naman, kaya ko na ang sarili ko, matanda na ‘ko!” Hindi niya maitago ang pagtatampo sa tinig niya. “Alam mo, that’s nonsense, Maliyah, sinasabi mong matanda ka na pero ‘yong asta mo para ka pa ring bata,” sabi nito sabay para ng taxi at hinila siyang pasakay. “Ano ba saan mo ba ako d

