"Ayoko na," sabi ni Nadielyn at akmang iiwanan na lang sa plato ang kinakaing lumpia dahil sa umay nang kunin iyon ni Danilo. "Sayang," sabi nito at kinuha iyon sa kamay niya at kinain. Tanghalian na at dagsa ang ilang tao sa bahay nina Danilo dahil nga fiesta. Katabi niya ito sa upuan habang nasa harap nila ang mahabang mesa na nalalatagan ng iba’t-ibang putahe. "Ito, ano na ngang tawag dito?" turo niya sa isang ulam na nakahain din. "Embutido." Kumuha siya ng malaking tipak at kinain din. Masarap. "Danilo?" "Hmm?" "Ayoko na rin, busog na ko." Napailing ito. "Akin na," isinalin nito iyon sa plato nito at kinain. "Magdidessert na nga ako." "Ito tikm

