"Danilo!" napalingon kami ni Danilo nang may lumapit ditong bading. Putok sa make up at ang haba ng buhok. "O ano ‘yon Mario?" tanong ni Danilo kaya napatigil kami sa paglalakad-lakad. "Ano’ng Mario? Myra! Imbiyerna ‘to!" irap ng bading dito sabay bukas ng abanikong dala at ipinaypay iyon ng malakas sa sarili. "O Myra na kung Myra. Ano nga?" "Baka pwedeng maging konsorte ka ulit." "Akala ko ba kumpleto na ‘yong mga kasali sa prusisyon?" takang tanong ni Danilo. "Oo nga pero nagkaproblema. Iyong dapat na Reyna Elena nakipagtanan doon sa konsorte niya. Yari. Ang reyna Elena pa naman ang star ng prusisyon di ba? Kakaloka. Ang bruhildang si Lanie, sinamantala talaga ang fiesta porke alam ng abala ang mga magulang ni

