"O hindi maipinta ‘yang mukha mo? May masakit ba?" untag ni Danilo kay Nadielyn habang naglalakad sila sa kahabaan ng prusisyon. Kasama pa rin nila si Angelo na dinadaldal ni Bebang pati si Yaya Menang na kahuntahan naman ng ibang kasama sa prusisyon. "Itong paa ko. Ang haba pala ng lalakarin!" reklamo niya dahil nakatakong pa naman siya. Panay pa rin ang ngiti niya sa mga nadadaanang tao na nanonood sa mga gilid-gilid ng kalsadang nilalakaran nila. "Malamang kaya nga prusisyon, eh," pamimilosopo pa nito kaya kinurot niya ang braso nito kung saan nakakapit ang kamay niya. "Aray!" reklamo naman nito. "Sakit na nga ng paa ko, namimilosopo ka pa." "Biro lang. ‘Wag kang mag-alala gaano man kalayo ang lakarin natin sa simbahan ki

