"H-Happy Mother’s Day Mom," nahihiyang bati ni Nadielyn sa Mommy niya mula sa kabilang linya. Iyon ata ang una nilang pagkakausap magmula nang ibinilin siya nito kay Danilo. Hindi niya matiis na hindi ito batiin. After all, nanay niya pa rin ito. Utang niya ang buhay niya dito. Maaring hindi siya naging mabuting anak pero hindi naman niya kayang magpakasama na matitiis niya ito. Alam niyang may pagkaisip bata siya talaga minsan kaya may pagkaimpulsive siya magdesisyon. "T-Thank you so much anak, akala ko matitiis mo na ko?" nagcrack ang boses na sabi nito. "Mom, medyo may pagkasalbahe lang talaga ko pero ‘yong mga sinabi ko sa’yo before bago ako umalis, I didn’t mean it. Minsan lang talaga mas nauunang magprocess ang bibig ko kaysa utak ko. I-I’m sorr

