Chapter 37

1377 Words

"Pare, haba ng nguso mo. May problema ka ba?" bungad ni Danilo kay Angelo nang maabutan ito sa library. May mga libro at notes sa harapan nito pero parang hindi naman nito pinagkakaabalahang buklatin. Nakapangalumbaba ito at nakatingin sa kawalan.             "Hindi naman. O nakatapos ka na diyan sa clearance mo?" tanong nito at saka palang pinagbubuklat ang libro. Umupo na siya sa tabi nito.             "Oo, graduation na sa isang araw. Excited na ko."             "Congrats pare," nakangiti ng bati nito.             "Regalo ko?" biro niya.             "Ano ba gusto mo?"             "Bili ka ribbon, itali mo kay Nadielyn."             Napahalakhak ito sa sinabi niya.             "Tungaw. Ano namang karapatan kong iregalo si Nadielyn sa’yo? Hindi pa nga ako sinasagot, eh."         

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD