Chapter 9: Padre

2326 Words
"Madali lang ang hinihiling ng ating pinuno, Padre." sinabi ng isang lalaki na may hawak na patalim. "Sumama ka na at makianib sa amin." Pinaliligiran ako ng limang bampira at sa tono ng pananalita nila ay wala sa plano nila ang pakawalan pa ako. "Huwag niyo na akong guluhin pa." sinagot ko. Pwersahan silang pumasok sa monasteryo at ginawang bihag ang isa sa aking mga inampon. "Pakawalan niyo na siya at pag-usapan natin ito ng maayos." Tumawa ang lalaki at sinuntok ang aking mukha. Pumutok ang mga labi ko at dumaloy ang dugo pababa. Namantsahan ang aking puting abito. Gumaling din naman kaagad ang sugat sa ibaba ng aking bibig. "Kauri ka rin namin at huwag kang taksil! Alam mo na nilikha ka upang pagsilbihan ang ating hari. Napatay na nga ang anak niya ng isang anghel. Nalaman na ng ibang kaharian at kailangan namin ng malakas na kakampi." "Ikinalulungkot ko ang nangyari. Pero, hindi ko kayo kauri. Hindi ko ito ginusto." Muli nila akong sinaktan at pwersahang pinahiga. Inapakan nila ako sa likod at tinutukan ng b***l sa ulo. "Kung ako ang masusunod ay pasasabugin ko na ang ulo at puso mo. Pero kailangan ka pa namin. Alam ko na." Hinatak niya ang batang babae na nakatali rin at may busal na tela sa bibig. Impit na iyak ang narinig mula sa musmos."Ang mga pinakamamahal mo na mga ampon ang iyong kahinaan. Simulan ko kaya na isa-isahin sila. Mauna siya." "Huwag mo silang sasaktan. Uulitin ko, pag-usapan natin ito ng mahinahon. Kakausapin ko ang lider niyo nang maliwanagan." pakikiusap ko. "Bakit ba hindi niyo maintindihan na maari rin tayong mabuhay ng mapayapa!" Tinadyakan nila ako at pinagtawanan. "Taksil!" "Hindi naayon na ang isang bampira ay maging pari." "Bait-baitan ka, Padre!" Tiniis ko ang pang-aalipusta at p*******t nila dahil ang inaalala ko ay ang bihag nila. Mukhang matatapos na ang pamumuhay na ninanais ko kapag tinangka nila na saktan ang kahit isa man sa mga inaalagaan ko. Ikinasa ng lalaki ang b***l at itinutok sa bata. "Huwag!" pagpigil ko sa kaniya. "Huwag niyo siyang idamay!" "Isa, dalawa..." Nagdilim ang aking paningin. Kahit na ako ay alagad ng Diyos, ang lakas ko ay ang pakikipaglaban ng manu-mano. Sa isang iglap ay nahawi ko ang bala na tatama sana sa ulo ng bata. Kinuha ko ang isang punyal na nakatago sa loob ng aking abito at mabilis na naisaksak sa kalaban. Siya ay namatay at nagliyab kaagad. Umatake sa akin ang dalawa pa ngunit nakailag ako at naagaw ang hawak ng isa na b***l. Binali ko ang armas at ibinaon ang dalawang piraso sa puso ng mga bampira. Mabilis silang naging abo. Ang dalawang natitira pa ay nag-alangan ng lumapit sa akin. Itinaas nila ang kanilang mga kamay bilang akto ng pagsuko. "Hindi po kami lalaban, Padre. Napag-utusan lang kami." "Umalis na kayo!" Sila ay sumunod at nagmamadaling lumabas ng monasteryo. Sila ay aking mga kauri. Pwersahan ako na ginawang bampira upang magsilbing isang mandirigma para sa kanilang hari. Nagkamali sila ng napili. Kasama ng kapangyarihan na natamo ko ay ang pagnanais ko ng mapayapa at masayang buhay. Kahit alam ko na maituturing na rin ako na isang halimaw, hindi nawala sa aking patay ng puso ang pagiging tao. Mahal ko pa rin ang sangkatauhan at hindi ako nawawalan ng pag-asa na maipapastol ko pa rin sila sa kabutihan. Ipagtatanggol ko sila sa abot ng aking makakaya. Ngayon, paano ko ba lilinisin ang kalat na ito? "Tahan na." Lumapit ako sa nanginginig na bata at niyakap siya. Tinanggal ko ang tali sa mga kamay niya at busal sa bibig. "Father..." "OK na ang lahat. Inaantok ka na, hindi ba?"Ginamitan ko siya ng hipnotismo upang hindi na siya matakot pa. Tumahimik siya at nakatulog ng mahimbing. "Bukas ay makakalimutan mo rin ang lahat." Hinatid ko siya sa kwarto at inihiga sa kanyang kama. Tiningnan ko ang iba pang mga musmos na aking inaalagaan. Tahimik at kontento sila na nahihimlay. Nalulungkot ako dahil bukas ay kailangan ko na silang iwanan muna. Sa ibang lugar na ako dinestino ng aming obispo upang maglingkod. Dahan-dahan akong lumabas upang magtungo sa kapilya. Sa ngayon ay kailangan ko munang humingi ng kapatawaran dahil sa mga bampira na aking napaslang. Hindi ko rin naman sana gusto na sila ay patayin. Patawad... *** Maganda at matingkad ang sinag ng araw. Ayaw ko talagang naarawan. I hate it! Nakakapaso at para akong matutunaw. Nasanay kasi ako sa mayelong parte ng impyerno. Napalabas lang ako ng di oras dahil gusto ko sanang palitan ang mga kalabasa na naubos na namin kaya nagtatanim ako muli. Dinagdagan ko pa ng singkamas at talong, sigarilyas at mani, sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, upo’t kalabasa. At saka mayroon pang labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya sa paligid-ligid ay puro linga. Parang kanta iyong sinabi ko. "Magsimba tayo." biglang minungkahi ni Annie habang yakap-yakap ang alaga niyang mga manok. "Magpasalamat tayo sa lahat ng blessings!" Ano raw? Magsimba. Hindi kaya ako masunog kapag pumasok ako sa simbahan? Atsaka, ano naman ang ipapasalamat ko kung hanggang ngayon ay itinuturing pa rin ako na "fallen angel". "Pwede kaya sa ibang araw na lang?" pagdadahilan ko. "Magtatanim pa ako." Hinukay ko ang lupa sa maliit na hardin at hinulog ang mga buto ng kalabasa. Tinakpan ko ulit iyon at diniligan. Kailangan magmukha akong busy. "Mamaya na iyan. Tara." Binaba niya ang mga manok at hinawakan niya ang kamay ko. Sinubukan niya na hilain ako patayo. Dahil sa madulas ang lupa ay nadulas siya at napaupo pa. "Ay!!!" Mabilis ko siyang nahawakan upang hindi na masaktan pa. Talagang umaapaw ang kamalasan sa babaeng ito. Tumayo siya na parang walang nangyari. Sanay na kasi siyang madulas at madapa. "Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. "OK lang ako. Samahan mo na kasi ako. Ayan lang ang simbahan o." Tinuro niya ang tahanan ni Ama na may ngiting halos abot tainga. Tama nga naman siya, mga limang minuto lang na paglalakad ang kailangan upang marating iyon. Sa ilang araw na pamamalagi ko sa kanilang lugar ay hindi man lamang ako dumalaw. Tiningnan ko ulit si Annie. Nakangiti pa rin siya at umaasa ng magandang tugon mula sa akin. "Sige na. Palitan mo na ang pantalon mo na nadumihan. Sasamahan kita." "Yehey!" Mabilis siyang naglakad paakyat sa bahay at wala man lamang isang minuto ay nakabalik na siya. Sinasara pa niya ang zipper ng kanyang pantalon nang bumaba siya ng hagdanan. Masyado siyang excited. Nakahawak sa braso ko si Annie habang naglalakad kami papuntang simbahan. Alam ko na wala lang sa kanya iyon ngunit ang mga tao sa paligid ay likas na tsismoso. Pinagtitinginan nila kami. "Sino yan? Dayo?" "Ewan ko, boyfriend ba ni Annie iyan?" "Imposible. Ang gwapo naman." "Baka ginayuma niya. Hindi ba iyon si Watty, "man-eater" noong kabataan niya? Nakakabingwit ng mayayaman at makapangyarihan na mga lalaki. Baka naituro niya sa ampon niya?" "Baka nga. Atsaka, hindi ba may tsismis kay, Annie..." "Shhh..." pagsaway ng isang matandang tsismosa. "Ongoing pa ang kaso niya laban sa tiyuhin niya. Baka mademanda pa kayo. Minor lang siya noon." "Malandi kasi e! Pasaway kaya nabubugbog at kinukulong sa kwarto. Lalayas-layas pa." "Katorse lang siya noon..." "Baka pineperahan niya lang. Mayaman sila e. Kaso, hindi siya binigyan ng mana ng nanay daw." "Buti nga!" Napahawak ng mahigpit si Annie sa akin. Narinig niya ang masasakit na salita. "Hindi totoo iyon, Terrence." Naging malungkot ang kanyang boses. "Hindi ako malandi. Wala pa nga akong naging boyfriend e. Hindi ko rin habol ang pera. Hustisya lang. Kinalat ng mga kamag-anak ko ang mga maling balita upang siraan ako." pagpapaliwanag niya. Alam ko. Mabilis talagang manghusga ang mga tao kahit hindi talaga alam ang totoong nangyari. Sa pagkakakita ko ay sobrang pang-aabuso ang naranasan niya sa kamay ng kanyang tiyuhin at iba pang mga kamag-anak kaya siya ay naglayas. "Gusto mo bang pag-usapan?" minungkahi ko upang mapagaan ang loob niya. Umiling siya. Bakas sa kanyang mukha na malalim pa ang sugat at pasakit na naidulot sa kanya ng itinuturing na kapamilya. "Huwag mo na silang pansinin, Annie. Basta, naniniwala ako sa iyo." Umaliwalas bigla ang kanyang mukha at bumalik ang matamis niyang ngiti. Naging masigla ulit ang kanyang galaw at pananalita. "No more drama, hehe!" "Ganyan nga." pagsang-ayon ko. Bigla kong naramdaman ang presensya ng isang malakas na nilalang. Pag-angat ko ng tingin ay mabilis ko na napansin ang isang lalaki na nakatitig sa akin ng taimtim. Ngumiti siya sa akin at kumaway ngunit hindi nabagay ang mabuting gawain na nagmula sa kanya. Isa siyang bampira. At, pasaway. Katulad ko noong tao at bata pa siya. Paano siya nakakagala sa ilalim ng araw? Marahil ay hindi pa siya nakakainom ng dugo ng tao. Malakas ang kontrol niya sa sarili kung ganoon nga. Kamangha-mangha! "Uy, pink roses! Sandali, bibili ako! Gusto ni Tita Watty ang mga iyon!" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at tumakbo papunta sa direksyon ng tindera. "Annie, tigil!" Mabilis ko siyang sinundan dahil nakita ko na may parating na motor at mukhang walang balak na magpreno. Ililigtas ko na sana siya sa kapahamakan nang mabilis siya na hinila ng bampira. Humarurot lang palayo ang nakamotor. Sa inis ko ay pinasabog ko ang gulong ng kanyang sasakyan. Tumilapon ang driver sa may basurahan. "Naku. Sorry po." humingi ng paumanhin si Annie sa nagligtas sa kanya. "Ayos lang. Mag-ingat ka sa mga "kamote drivers". Ang dami pa naman nila." "Hehe! Oo nga! Sinusundan pa naman ako ng aksidente!" "Ganun ba? Saan ka ba nakatira? Ihatid na kaya kita?" biglang nag-alala ang estrangherong halimaw. "Yun bunso namin ganyan din." "Ay, huwag na, magsisimba pa kami e!" "Mga isang oras pa bago magsimula ang misa. Kung gusto niyo, maghintay na kayo sa loob. Aircon naman e." "Talaga? Sabi nga nila bago ang pari atsaka pogi." Halata ang kilig sa boses ni Annie. "Mukhang Korean Boyband member! Hehe! Anyoung haseyo*! Ganern! Parang ikaw! Boylet. Hehe! Sorry, ang daldal ko!" (Korean word for "Hello") Kaya pala desidido siyang magsimba dahil sa pari. Ang mga babae nga naman. Basta pogi, nagkakandarapa na makita. "Mukha ba talaga akong miyembro ng Korean Boyband?" natatawang tanong niya. "Oo naman!" "Naalala ko ang bunso kong kapatid sa iyo na baliw sa K-Pop. Ewan ko ba kung bakit mahilig siya sa mga lalaking maputi at naka-makeup. Pero ako, walang makeup, ha." Sabay silang tumawa na parang nawawala sa katinuan nila. Lumapit ako at tumayo sa likod ni Annie. Hinawakan ko ang mga balikat niya at napatingala siya sa akin. Mabilis din na bumalik ang kanyang atensyon sa lalaking kausap niya. Nakakainis! Mukhang tinamaan si Annie sa bampira. Inobserbahan ko ang nasabing nilalang kung ano ba ang mayroon siya na wala ako. Di hamak na mas maganda naman ang aking itsura. Pero, sa tipo niya ay habulin din siya ng mga babae. Kahit na mas matangkad ako at matipuno ang pangangatawan ng kaunti sa kanya ay hindi rin makakaila sa kanyang tindig at kilos na bihasa rin siya sa pakikipaglaban. Kahit na maputla siya ay malaporselana ang kanyang kutis at mapula ang kanyang mga labi. Hindi ko maiwasan na magtanong kung lalaki nga ba talaga ito? Wala akong pakialam. Ibabaon kita ng buhay, bampira! Napansin niya ang masamang tingin ko sa kanya. Inilahad niya ang kanyang palad upang makipag-shakehands. "Nice meeting you, Brother. How are you?" Inglisero pa ang bwiset. Stop calling me "Brother". Hindi kita kapatid, leche! Tiningnan ko lamang siya at ayoko sanang sumagot kung hindi lang hinawakan ni Annie ang kamay ko at sapilitang iniabot. "I'm good." matipid ko na sagot. "That's great! Are you from the...outside?" Medyo matalinghaga ang pagkakatanong niya sa akin. Ang titig niya sa akin ay nagpapahiwatig na mayroon siyang nalalaman. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya. Kamalas-malasan. Mukhang may third eye pa ang bampirang ito. Hindi lahat ng nilalang ay madaling malaman na anghel ang uri namin kapag nakatago ang aming mga pakpak. Mapagkakamalan din talaga kami na mga tao. "Hindi. Tagalog na lang usapan natin. Nosebleed na ako." may pagkainis ko na sagot. Sa lahat kasi ng mga wika, ang Ingles ang pinamahirap para sa akin. "Sorry, Pare, akala ko kasi foreigner ka. Blonde ka kasi." Tumango lang ako at umiwas na ng tingin sa kanya. "Ang babait niyo naman. Ano nga ba ang name niyo?" pagpapatuloy niya. "Ikaw din. Ako si Annie. Siya si Terrence." "Terrence? Parang pangalan ng anghel! Ang "unknown" among the Archangels! Pero, hindi sigurado kung totoo nga siya." Totoo siya. At, ngitngit na ngitngit na siyang ibaon ka sa ilalim ng lupa. "God bless you, Annie, Terrence. Ako pala si Kuya Benjie." "Father!" narinig namin na tawag ng isang sakristan. "May tanong daw po si Sister Maria Angela, pasuyo po." "Sige, papunta na ako kamo." sagot ni Benjie. Sandali. Pari siya? Paano? "Maiwan ko muna kayo. Hintayin ko kayo na dumalaw ulit sa simbahan ha? See you." "Bye-bye po!" nagpaalam si Annie. Tumalikod na si Benjie at naglakad palayo. Nang malapit na siya sa may pintuan ay lumingon siya ulit. Ngumiti siya at sumaludo sa akin na parang sundalo. Tuluyan na siyang pumasok sa loob at binati ang mga madre at sakristan. "Sayang! Pari pala ang gwaping!" buong panghihinayang na sinabi ni Annie. "Hindi bale, maganda nga iyan at marami siyang kabataan na mahahatak magsimba. Ang cool kaya niya!" Cool ba? E kung ipadala ko kaya siya sa nagliliyab na parte ng impyerno para maging "vampire barbecue"? Kalma lang, Terrence. Bakit ganyan ka kumilos? Wala man sa katiting mo ang pari na iyon. Sana nga lang ay hindi na kami magkita muli. May nararamdaman kasi ako na kakaiba sa katauhan ni Benjie. Iba ang tingin niya kay Annie na tila ba ay nakita rin niya ang dalisay niya na kaluluwa. Nag-aalala ako. Nararapat na mas maging maingat. Kailangan ko na mailayo si Annie mula sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD