Chapter 45: So close

1869 Words
"Gutom ka na ba?.. Kumain na muna tayo Bamby.." basag nya sa pader na ginawa ko sa pagitan namin. Hanggang escalator pababa ng ground floor. Nakasamapay pa rin ang kanyang kamay saking balikat. Damn!. Kulang nalang sumabog ang puso ko sa pintig nito. Sobrang lakas. Naririnig ko na maging ang bawat pilantik nito. Susmiyo!.. "Wag na. Busog pa ako.." di ko maiwasang mautal. Sa gulo ng isip ko, wala akong mahagilap na tamang salita. "Hahaha.. bat nauutal ka. Okay ka lang?.." eto na naman sya sa 'okay ka lang?.' na tanong. Pag sinabi ko bang hindi may magagawa ka ba ?. Kung di ko lang itinikom ng mariin ang aking bibig baka nasabi ko na ito.. Tiningala ko sya. Malaki ang kanyang ngiti. Ako, hindi ko magawang huminga man lang ng maayos sa kanyang tabi. Paano ko kaya makakalma ang sarili ko kapag ganitong nakangiti sya sa mukha ko?. Damn this feeling!.. Muli. Piningot nyang muli ang aking ilong. Pansin ko. Lagi na nya itong pinagdidiskitahan. Yun ba pinakamagandang parte ng mukha ko Jaden?. Suskupo Bamby!. Magtigil ka. Hindi yan ang atupagin mo kundi ang umuwi sa inyo dahil malalagot ka na talaga.. "Kailangan ko ng umuwi." kumurap ako. Umiiwas ng tingin sa kanya. "Okay.." sabay kaming dumiretso sa Mcdo. Yung lugar kung saan kami magkikita ni Joyce. Nasa malayo palang kami sa lugar na kinatatayuan nya. Nakangisi na ito. Sumasayaw ang kilay. Palipat lipat ang tingin. Sa balikat ko na may kamay na nakasampay at sa katabi ko na preskong naglalakad. "Kanina ka pa ba?." bungad ko sa kanya. Inilingan nya ako habang nasa katabi ko ang paningin. "Bago lang. Nga pala. Mga pinsan ko. Si Jea at Jenny.. Jea, Jen, si Bamby at Jaden mga kaibigan ko.." pakilala ni Joyce samin. Nagtanguan naman kami. Hindi pa rin mawala ang kanyang ngisi. Damn!.  Siniko ko sya pero hindi pa rin nya tinanggal ang kanyang kamay. My goodness!.. Kamatis na naman mukha ko neto. "So, Tara na?.." tanong ko kay Joyce. Binabalewala ang tinging pinupukol nya sakin. Nang-aasar. Tinutukso ako. "Ah. Bamby. Pwede bang sa amin muna si Joyce?.. Kailangan kasi sya ng mama nya.." Ani ni Jea. Yung matangkad at morena. Napatingin ako sa kanya na biglang malungkot ang mukha. "Ah yeah. Ayos lang. Sige na. Ako nalang magsasabi kay Mama." pagpayag ko sa pinsan nya. "Pasensya na bes. May sakit kasi si Mama. Kailangan kong bantayan.." paliwanag ni Joyce. "Nakakalungkot naman. Hope she'll be fine.. Regards mo ako sa kanya ah.." naluluha kong sambit. Close din kasi kami ng mama nya. Tuwing uwian o biglaang walang pasok dun kami tumatambay sa kanilang bahay. Kaya nakakalungkot marinig na may sakit ito. "Salamat talaga bes.. okay lang ba talagang iwan na kita?.." "Yeah okay lan--.." tango ko pero may sumabat. "Ayos lang. Kasama nya naman ako.. Sasamahan ko sya hanggang bahay nila.." nag-init ang aking pisngi. Holy cow!.. Jaden naman. "Nga pala, pano kayo?. Bat pala kayo magkasama?.." nasamid ako sa sariling laway dahil sa naging tanong ni Joyce. Sabi na nga ba e. Di yan aalis hanggat di naitatanong ang gustong itanong. Naman Joyce!. Di ba sabi mo. Kailangan ka ng mama mo?. What now?.. Tinaasan ko sya ng kilay psro hindi dumadapo ang paningin nya sakin. Sinasadya nya ata para iwasan ang irap ko sa mga tanong nya. "Nagkita kami sa third floor. Game zone. Mag-isa sya. Kaya sinamahan ko na.." paliwanag bigla ni Jaden sa pagtataka ni Joyce. "Mabuti nalang. Nag-alala kasi ako e. Kung ganun, mauna na kami. Jaden, ikaw na bahala kay Bamby ha?.. Mag-iingat kayo pauwi.." paalam nya pati ng mga pinsan nya. Pero bago nya pa kami talikuran. Niyakap nya ako kasabay ng isang bulong. "Congrats!!.." Yun lang at kumaway na paalis kasama ng dalawa nyang pinsan. Anong congrats Joyce?.. Di pa kami bes!!. Pinangungunahan mo naman e. Baka mudlot pa.  Wag naman Sana. Pagkalabas ng mall. Pumila agad kami para makasakay ng jeep. Marami talagang tao. Kaya medyo natagalan kaming sumakay. Mahigit tatlompung.minuto nang lumampas ang palugit ni Mama. Sana hindi sya mag-alala habang wala pa ako. Mainit. Habang nasa pila, pinupunasan ko ang pawis na tumutulo galing saking noo. Damn!. Bat ang init?. Dumoble ang init na naramdaman ko ng ilagay sakin ni Jaden ang suot nyang sumbrero.. "Isuot mo to.." "Ha?. E pano ka?." "Ayos na ako. Basta maayos ka lang.." juicekupo!. Ano raw Bamblebie?!!...Kayaaaaaahhhh!... Unahan sa pagsakay ng jeep. Nauna akong sumakay. Inalalayan nya pa ako. Susmiyo!.. Anong?. Anong ibig sabihin ng ginagawa nya?. Are we mutual now?.. Hell yeassshhhh!... Sa loob ng jeep. Dikit dikit kahit masikip na. Tuloy mas lalo syang dumidikit sakin. "Dumikit ka lang sakin.." Anya pa ng may isang binatilyong umupo sa tabi ko. Tinignan pa muna ako bago tuluyang umayos ng upo. Tumagal ng ilang segundo ang mata nya sakin. Nag-iwas lamang ito ng gumalaw si Jaden upang iangat ang kanyang kamay papunta sa kaliwang balikat ko para maakbayan ako. "Urong ka pa babe.." sambit nya pa bago ako iniusog papunta sa kanyang dibdib. Nakita kong mabilis nag-iwas ng tingin yung binata sakin. Sinong di nahihiya kapag harap harapan ka nang sinusupalpal ng kasweetan?. Damn this feeling!.. Para akong tinubuan bigla ng pakpak. Nagkaroon ng kapangyarihan na lumipad at lumutang sa ere. Ang sarap.. Hindi ko ininda ang mga matang nakamasid samin. Why the hell I care?. Ngayon lang to. Kaya dapat sulitin... You flirt little Bamblebie!!.. Go home!.. Nahiya ako bigla sa posisyon naming dalawa. Hindi ko na alam kung anong amoy ko. Kung mabango pa ba ako o hinde na. Sa pagtambay kanina sa ilalim ng sikat ng araw kakaantay ng jeep. Malamang, amoy pawis na ako. Nakakahiya. My goodness!.. Pumikit ako sa naiisip. Bakit kasi wala kang dalang payong ngayon?. Susmiyo Bamby!.. Pano ka na ngayon. Turn up?. Or turn down?. Either way round nalang. Bahala na.. "Anong shampoo mo babe?.." oh damn it!. Come again babe?. Sandali akong natigilan sa itinawag nya. "Ang bango ng buhok mo. Nakakaadik.." nakadikit kasi ulo ko sa baba nya dahilan para maamoy nito ang buhok ko. "Ah hehe. Ordinaryong shampoo lang yan.." nanginig pa boses ko sa kaba. Sa sobrang kaba ko, naiimagine ko nang nasa bahay na ako. Tumatalon sa malambot kong kama. At tumitili. Tinatawag ang pangalan nya. Karugtong ang babe. "Parang hindi ordinaryo. Mukhang mamahalin kapag ikaw ang gumagamit.." "Hindi. Mura lang gamit ko."  "Pero mas bagay sa'yo ang mga bagay na mamahalin." "Pano mo naman nasabing ganun?. Hindi ako gumagamit ng mahal..." sambit ko habang inaayos ang buhok na nililipad. "Because you deserve everything..no room for less." di ko maiwasang ngumiti. Hehehe.. Really?. Ramdam ko ang mainit nitong hininga saking ulo. Para akong kinikiliti sa bawat haplos nito sa tuktok ng aking ulo. "Haha.. di kaya.. So sinasabi mo bang spoiled dapat ako?.." "Hindi. Hindi yun ang punto ko. Ang sabi pa nga ng kuya mo. Nag-iipon ka raw. Sobrang nagtitipid kahit di naman kailangan." Natahimik ako. Sinong kuya?. Lance o Mark?. Dahil kung Mark, ibig sabihin may alam na sya?. Dammmnnn!.. No way!.. "Uh-huh?.." "Kasi ang babae dapat lahat binibigay sa kanya... Ng buong buo..." but not me. Wala pa nga akong cellphone e. Pano ako naging spoiled?.. Wala akong lakas para sagutin sya. Nauubusan ako ng hininga. Habang tumatakbo ang jeep. Papalapit sa amin. Kinakabahan ako. Hindi pa rin nagbabago ang lagay naming dalawa. Parang ayoko ng bumaba. "Sana ganito nalang tayong dalawa.." huling bulong nya bago kami bumaba.. Naghumirinda ng todo ang puso ko. Mukhang magdidiwang ito ng husto. Agad kaming sumakay ng pedicab ng may huminto saming harapan. Suot ko pa rin ang sumbrerong binigay nya sa akin kanina. Sa bawat pagpadyak ni manong para makausad kami ay ang bawat pagdiriwang rin ng aking puso sa taong katabi ko pa rin hanggang ngayon. Damn!.. Sa huling bulong nya bago bumaba, hindi na nawala saking utak. Paulit-ulit ko pa ring naririnig kung paano nya sinabi yun kanina. Ang lalim na kanyang boses. Nakakabaliw. Unti unti na ring lumalalim ang pagtibok ng puso ko sa kanya. Minamahal na ata kita. "Ang init.." reklamo nya sabay punas ng kanyang pawis. Mabilis kong hinanap yung panyo saking bag saka iniabot sa kanya. "Eto.." "Salamat.." matapos tanggapin at punasan ang pawis. Sumipol ito sa labas. Nagtatawag ng hangin. Bawat lipad ng kanyang buhok na sinasalubong ang mainit na hangin ay lalo syang gumagwapo saking paningin. Damn Jaden!. Stop biting your lips please. You look sexy. And I swear. I'm getting sweat here.. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanyang labi nung binasa nya ito. God!. Flee me from any sin please!. Nang nakakuha na ata sya ng hangin ay binalik nito sa loob ng pedicab ang mata. "Malapit na pala ang alis nyo?.." anya sa ilalim ng katahimikan. Tumango ako. "Oo. Isang buwan nalang.." yung isang buwan, lumipas na parang isang linggo lang. Napakabilis. Kung pwede ko nga lang pahintuin ang bawat pitik ng segundo ay kanina ko pa ginawa para mas marami pa kaming oras para sa isa't isa. "Sayang naman.." napakagat ako ng labi sa sinabi nya. "Bakit naman sayang?.." pigil ang aking ngiti. Damn Bamby!. Umayos ka nga.. "E kasi, aalis kayo ng hindi pa natatapos ang school year.." parang nanghiyang pa sya. O well. Dapat lang. Damn!. Dito nalang ako. Ayaw ko ng umalis. "Mag-aaral din naman kami dun.." lingon ko dito. Di ko alam na tumingin rin sya sakin. Tuloy nagkatinginan kaming dalawa. My goodness!. My heart is screaming!.. Nilamon ako ng titig nya. Kung kaya't naubos ang lakas ko upang iwasan ang kinang ng kanyang mata. "Ang cute cute mo talaga..." gulo nito sa buhok ko. Wala na naman akong ibang ginawa kundi matulala sa nakakapigil hininga nyang ngiti. Gosh!.. Narinig kong may sumipol. Yung tagapadyak ata. Suskupo Bamby!.. Iwasan mo nang maging tulala lagi ha. Baka mapano yang mata mo. Pumikit ako para iwasan ang mata nyang kumikislap. Humugot ng malalim na hininga ng palihim para pakalmahin ang nagwawala kong sistema. Tanaw kong malapit na kami sa bahay nang maramdaman kong medyo bumigat ang kaliwang balikat ko att bahagynag uminit. Noon ko lang napagtanto na naakbay na naman sya. Hell s**t!.. What is the meaning of this?. Do we have mutual understanding Jaden?. I want to ask him but I'm too weak to open my goddamn mouth.. Hindi ako gumalaw. Hindi rin nagrekamo. Para saan pa?. Gusto ko naman. Ampusa Bamby!. You flirt again.. Kabado na ako ng ilang bahay nalang ang pagitan ay di pa rin nya tinatanggal ang kanyang kamay. Mas lalo nya lang akong hinigit palapit sa kanya. Napasinghap ako sa pagkabigla. Jaden Bautista!... I wanna scream your name. Oh boy. I am deeply in love with you.. "I wish... We were this close forever.." Sabi nya nalang bigla. Saka hinalikan ang buhok ko ng may katagalan. Eksaktong paghinto sa tapat ng gate sa aming bahay na kakabukas lang. Damn it!.. Just Damn it!!. Una syang bumaba dahil nanigas ako sa ginawa nya. My goodness!. Jaden naman kasi eh.. Errrrrr!... "Bilis na bro...." dinig kong boses ni Aron sa labas. Mukhang may pupuntahan. "Oh Jaden. Nakita mo ba si---?.." Hindi nito natapos ang gustong itanong nang bumaba ako. Bitbit ang paperbag na laman ang damit na para kay Kuya Mark. "Bamby!?." takang tanong ni Bryle.. Tinuro pa ako tapos papunta kay Jaden. Nagtataka. Ooh-oh!.. "Magkasama pala kayo?.." lumitaw ang malalim nyang dimple nang ngumisi sya samin. Si Aron. "Hindi naman. Nagkataong nagkita lang kami sa mall..." paliwanag ni Jaden sa harap nila. Inakbayan nila agad ito at ginulo ang buhok. "Wag ka samin magpaliwanag. Pumasok na kayo dun. Kanina pa umaapoy ng galit si Lance. Nagbabaga na ata ang buhok. Kulang nalang magsupersayan.. hahaha..." hagalpak nina Aron habang tinutulak sya. Yeah I know right... Now Bamby. Your sweet dreams is over. Wake up now..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD