Mabilis akong nagpaalam kay Mama. Tinanong pa ako ni kuya Lance kung saan kami pupunta. Simpleng Sm lang ang sinagot ko na kinontra nya agad. Pero, nang makalayo na kami sa gawi nila ay hindi ko na ulit narinig boses nya. Baka sinabi na sa kanya ni Mama kung anong gagawin namin dun.
Naglakad pa muna kami ng ilang minuto patungo sa kalsada. Naghintay ng jeep na paparada. Mahigit kinse minuto ang nakalipas bago namin narating ang Sm Antipolo.
"Finally.." halakhak ko. Para akong nakawala sa isang hawla. Ngayon lang nakalabas ng walang bantay.
Tinawanan lang ako ni Joyce. "Nga pala. Anong bibilhin mo?.." paakyat na kami. Puro kasi kainan ang nasa unang palapag. Pagkatapak sa ikalawang palapag. Diretso pasok na kami sa isang department store ng mga sapatos. Wala pa kasi akong naiisip na maaaring ibigay sa kanya. Hindi ko malaman kung sapatos ba, damit o kung alarm clock nalang. Alarm clock, kasi lagi syang may lakad at kailangan nya talaga ng pampagising. Tulog mantika pa naman. Kaya minsan nalalate sa school nila. Pwede ring sapatos o damit. Nga lang. Mahal. Juicemiyo!!. Kaya ka nga pumunta dito para bumili diba Bamby?. Kahit mahal... Suskupo!.. Bahala na nga.
Lahat ng nahahawakan ko puro mahal. Suskupo!. Magrereklamo bulsa ko nito.
"Joyce, balik tayo mamaya dito. Dun muna tayo." hinila ko sya agad sa isang department store na puro damit naman ang tinda.
"Bat ang mamahal?.." tahimik kong reklamo na hindi ko alam na may nakarinig pala.
"Original po kasi ang mga yan Ma'am.." sagot naman ng isang sales lady. My goodness Bamby!. Nakakahiya ka..
"Hehe.." nginitian ko na lamang yung babae sabay lumiipat dahil sa hiya. Ampusa naman kasi. Ang daldal mo minsan Bamblebie..
"Para kanino po ba ma'am.." sinundan nya pala ako.
"Sa kuya ko sana kaso hindi ako makapili e.." itinaas ko ang isang kulay asul na polo sa kanang kamay tapos isang polo na gray naman sa kaliwa. Ito nalang siguro.
"Mas maganda kung yung gray nalang ma'am. Tutal lalaki naman sya." suhestyon nya. Na nagpakinang saking mata. Oo pala. Gray is his favorite color. Yehey. Finally.
"Ah sige ito nalang." sabay abot sa kanya ng damit. Sinundan ko sya patungong counter. Si Joyce nagpaalam kanina na makikipagkita raw sa kanyang pinsan dito sa mall. Tinext sya kanina nung nasa loob na kami ng store kaya naiwan akong mag-isa ngayon. Ang sabi nya, magkikita nalang raw kami mamaya sa baba. Sa may Mcdo.
"1,200 pesos po ma'am." sambit ng cashier. Iniabot ko naman ang isang libo at limang daan.
"Here's your exchange ma'am. Thank you. Please come again.." lumabas na ako ng store. Nagpalinga linga. Ang daming tao dahil linggo. May mga nakita pa ako magjowa na magkahawak kamay. Sana ganun rin kami.. Uminit bigla ang pisngi ko sa aking naisip. Damn!...
Nagpasya akong maglibot muna. May bente minuto pa naman akong natitira na oras.
Habang paakyat ng pangatlong palapag. Sa likot ng akong mata. May nahagip ito. Isang likod ng lalaki na napakapamilyar sa akin. Nakatayo sya. Nakapantalon at puting damit ito. Nilalaro ang batang may nginunguyang fries. Katabi ng bata ay isang babae na mahaba ang buhok.
Hindi ako dumaan sa gawi nila. Sinadya kong umiwas para hindi nila ako mapansin pero yung tadhana, ayaw papigil. Kinilig tuloy ako.
"Ate Bamby!.." kaway bigla sakin ni Niko. Nasa malayo palang sila pero nangangatog na tong binti ko. Dammmnnn.
Papunta kasi akong game zone. Maglalaro muna saglit tapos bababa na rin mamaya. Kaso sa kaliwang bahagi ko. Kung saan sila galing. Tinawag ako ni pag-ibig. Este nig kapatid nya. Ampusa Bamby!. Umayos ka nga!.. Batukan kita e..
Tumakbo papunta sakin si Niko. "Ate, sino pong kasama mo dito?.." tiningala nya ako. Yumuko ako para ngitian sya. Ramdam ko na ring until unti na syang lumalapit. Oh Ghad!.. Relax Bamby!. Breathe.
"Si ate Joyce pero may pinuntahan pa sya." paliwanag ko naman.
"Asan mga kuya mo?.." Yung boses nya. Parang unan, ang sarap yakapin at matulog nalang.
Hindi pwedeng hindi ko sya tignan sa mata habang nag-uusap kami. Kaya tumitig ako sa kanya. Kahit lumulunok. What.... Is... This?..
"Ah.. hehe.. Wala e." damn. Nababangag na naman ako sa kaba ng dibdib ko.
"Bamby..." niyakap ako ni ate. Silang tatlo lang. Wala sina tita.
"Bakit ka gumagala mag-isa?.." Binuhat na ni Jaden si Niko habang kinakausap pa ako ni ate Cath.
"May kasama po ako. May pinuntahan lang.." paliwanag ko naman.
Ngumisi sya. "Sino naman?.."
"Ah yung kaibigan ko po.. Si Joyce.."
Tumango sya. "Ah. Akala ko na kung sinong ka-ibigan mo.." tukso nya sakin. Binalewala ko pa rin ang kanyang ngisi. What's with her smirk?.
"Wala po.. hehe.. Galing po kasi kaming simbahan tapos dumiretso na dito para bumili ng gift para kay Kuya Mark.."
"Oo pala. Birthday nya ngayon. Yun ba yung sinasabi nyang salu salo mamaya?..."
"Opo ate. Punta po kayo ah.." kahit gulat ako nagawa ko pa ring imbitahan sila. Wala kasing nabanggit si Mama na maghahanda sya. O baka naman meron nga. Di lang ako aware. Kakaisip sakanya. Sana, pumunta rin sya.
"Oo naman." masiglang sgagot nya.
"Ate laro na tayo.." singit ni Niko. Mabuti nalang. Wala na kasi akong maiisp na sabihin. Masyadong natatakpan ng kalabog ng aking puso ang utak kong sabog.
"Sige. Niko. ikaw Bamby, uwi ka na ba?. Sama ka na muna samin?.."
"No thanks ate. Isang oras lang po kasi ang binigay ni Mama na pamamasyal ko. Antayin ko lang po si Joyce tapos uwi na rin agad." nahihiya kong tanggi.
"Ganun ba.. O sige.."
"Ate, Mauna na kayo sa loob. Samahan ko na muna si Bamby habang wala pa yung kasama nya.." para tuloy akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Bigla akong nanlamig sa sinabi nya. Really?. Kulang nalang tumalon ako sa tuwa.
"Mabuti nga.. Para hindi na rin ako mag-alala. Bat kasi hindi ka sinamahan ng kuya mo?. Did your kuya told you to buy him some gift?. sasapakin ko sya mamaya.."
"No ate.. Hehehe..ayos lang po ako. Wag nyo nang sabinhin kay kuya.."
Baka pagalitan pa ako e. Minsan na nga lang makakalabas ng mag-isa. Mahuhuli pa. Suskupo!..
"Hindi ko na sya sasapakin kasi sasamahan ka na ni Jaden pauwi. Kahit dumating pa yung kaibigan mo."
"Wag na po ate.."
"No." sagot nya sakin tapos tumingin sa kapatid nya. "Jaden ako nang bahala kay Niko. Samahan mo na sya hanggang bahay nila. Susunod din naman ako dun.." tumango lang sya sa kapatid nya saka na kami iniwang dalawa.
Whoaaaa!.. Ang tahimik namin pero ang ingay ng puso ko. What the hell?!!..
Walang umimik saming dalawa habang naglalakad. Tuwing gusto kong magsalita. Umuurong dila ko. Tuloy sobrang awkward.
Nang nasa hagdan na kami para bumaba. Nakipagsiksikan ako. Marami kasing tao. Di ko alam kung bakit dagsaan ngayon.
"Wait.." may humila saking siko paatras dun sa kumpulan ng mga tao.
"Mamaya na tayo bumaba.." Anya. Hila pa rin ako. Dumaan kaming muli sa dinaanan namin kanina.
"Saan tayo pupunta Jaden?. Kailangan ko ng umuwi.." natataranta kong sambit.
Huminto sya sa paghila sakin saka ako dinala sa isang gilid. Tabi ng malaking poste ng mall. Duon, humarap sakin at namaywang.
"Mamaya na tayo umuwi. Mainit pa sa labas." Anya.
"Pero, mapapagalitan ako. Ilang minuto nalang. Kailangang nasa bahay na dapat ako.." giit ko sa kanya. Kahit ayokong magreklamo sa harap nya. Kailangan. Dahil kung sakaling late na ako umuwi sa isang oras. Patay. Kulong na naman ako.
"Relax. Okay. Akong bahala sa'yo.." hinawakan nito ang magkabila kong balikat. Ikinagulat ko ito ng matinde. Napasinghap pa ako ng pisilin nya pa ito para magrelax ako ng tuluyan.
"Relax Bamby. Kasama mo naman ako.."
"Pero Jaden---.."
"Relax nasa Antipolo pa naman tayo. Hindi ito malayo sa inyo."
Huminga ako ng malalim at pumikit. "Yan. Huminga ka muna ng malalim para di ka natataranta. Pinag-alala mo ako kanina dun sa escalator. Nakipagsiksikan ka kahit maraming tao."
Mas lalo akong pumikit ng mariin. Nahihiya na nakikiliti sa sinabi nya. Damn. Naman kasi Bamby. Kasama mo sya tapos iiwan mo. My Ghad!..
Ilang hugot at pakawala ng hangin ang ginawa ko bago tuluyang dumilat.
"You okay?.." tanong nya. Nasa balikat ko pa rin ang kamay nya. Yumuko pa ng bahagya upang hanapin ang aking mata na hindi kayang tumingin sa kanya.
Kagat labi kong tinanguan sya. "There. Better..wag kang masyadong mag-alala. Di yun magagalit kasi may kasama ka naman.." patuloy nya Tinanggal na nya ang kamay sa balikat ko.
"Sana nga.." Damn. Bat sobrang hiya ko sa taong to?.
"Oo yan. Tara na.." puro tango lang ang tangi kong sagot sa kanya.
Magkahawak ang dalawa kong kamay habang naglalakad.
"Ako magpapaliwanag kay tita pag uwi mo.." kasabay nito ay ang pag-akbay nya sakin. Take note. Nakaakbay sya habang naglalakad. Am I dreaming?.. O well. You are not Bamby. You are freaking awake.
Di ko mapigilang kagatin ang ibabang labi sa kamay nyang nakasampay saking balikat. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na inakbayan nya ako. Di naman ito first time. Pero, kasi feeling ko, nakalutang ako dahil sa kamay nya.
Nang nasa tapat na kami ng escalator. Mas lalong nya akong hinigit palapit pa lalo sa kanya. Marami pa ring tao.
"You okay?.." dinungaw ako sa mukha. Tulakan sa escalator. Damn. Sana di ako mahulog. Dahil nahulog na ako sa kanya. Suskupo!..
"I'm fine.." sagot ko lang nung nasa ikalawang palapag na kami. Di pa rin nya inaalis ang kanyang akbay. Shemms!.. Sana di nya maramdaman yung t***k ng puso ko. Maingay. Malakas.
"Mukhang hinde. May problema ka ba?. May masakit ba sa'yo?.. Namumula ka kasi e.." dinikit pa ang likod ng palad sa noo ko. Haist..
"Me--ron.." nautal pa ako.
Sya naman ngayon ang nataranta. "Huh?. Saan?. Bakit?.." Yung makitang nag-aalala sya para sakin. Masaya na ako roon. Sobrang saya.
"Dito..." nanginginig ang kamay kong itinuro ang aking puso.
Damn Bamby!!.
Natulala sya ng ilang segundo bago hinawakan ang kamay kong malamig na. "Bakit?. Wala ka namang sakit sa puso ah. Bakit masakit?.."
Hindi ko sya sinagot. Imbes, hinawi ko ang kamay ko sa kamay nya tsaka sya tinuro. Laglag ang kanyang panga.
Nagsalubong ang makapal nitong kilay. Bago pa sya magtanong. Inunahan ko na. "Gusto kita Jaden..." hirap na hirap kong sambit. Natameme ito sakin.
Damn!. Sa wakas nasabi ko na rin. Bahala na kung anong isasagot nya. Basta ako. Okay na sa akin na nasabi ko ito sa kanya.
Masarap umamin ng nararamdaman para sa isang tao. Pero masakit rin malaman ang mararamdaman nya para sa'yo. Ganunpaman, Kung ano man iyong isasagot nya. Kailangan mong tanggapin. Dapat mong tanggapin. Kahit masakit.
Pumikit ako sa kahihiyan. Hindi sya nagsalita. Hinintay ko, ngunit wala.
"Hahaha... Ang cute mo talaga. Tara na nga.." Yun lang ang sinabi nya sabay pingot pa sa ilong ko bago muli akong inakbayan paalis sa lugar na yun.
Oh okay Bamby.. You're done.