Chapter 43: Just one hour

1344 Words
Magaan ang loob kong gumising kinaumagahan. Today is Sunday. At special day pa ni kuya Mark. It's his birthday. Mabilis akong naligo at lumabas ng kwarto. Dumaan sa medyo may kalayuang pasilyo. Library pa kasi ni papa ang pumagitan sa aming silid. Nakaawang ng bahagya ang kanyang silid. Dahan dahan ko itong binuksan saka sumilip. Madilim pa. Nakasarado ang naglalaking kulay gray na kurtina sa malaking bintana nya dahilan para walang pumasok na sikat ng araw. Pinilit kong huwag gumawa ng kahit na anong ingay sa bawat paglapat ng aking paa sa sahig. Para tuloy akong magnanakaw neto. Dinungaw ko ang mukha nyang nakasilip pa sa isang malaking kumot. Nakaharap ito sa patay ng lamp shade. Natatamaan ng araw ang mukha nya kapag binuksan ang kurtina. Dinig ko pa ang mahina nyang hilik. Yes!. Good timing!. Dahan dahan pa rin ang bawat galaw ko hanggang sa narating ang pwesto ng kurtina. Hinawakan ko ito saka binuksan ng walang nagagawang tunog. Napakislot pa ako dahil sa kanyang ungol. Damn!. Muntik na ako dun ah. Nang sa wakas, natapos ko ng buksan ang kurtina ng tahimik at pawisan. Nagtago ako sa ilalim ng kanyang kama. Bandang paanan nya. Malakas ng tumatama sa kanyang makapal na kumot ang sinag ng araw. Nasisiguro kong naiinitan na ito. In a span of seconds... "Oh hell hot!.." malutong nyang mura. Tinakpan ko ang bibig sa munti kong halakhak. "Damn!. Ang init.." patuloy nyang reklamo. Di mapigil ang ngiti ko. Nang nadinig kong may kaluskos. Hudyat na tumatayo na sya. Inunahan ko na. "Happy birthday kuya!..." masigla kong bati. Lumaki bigla ang inaantok pa nyang mata. "Tsk. I knew it... Little Bamblebie... sinarado ko yang kurtina kagabi tapos biglang nabuksan.. pft.." bumalik ito sa pagkakahiga na nagpapacute sakin. "Hahahaha.." tawa ko sabay talon sa kanyang kama. "Where's my gift then?.." nilahad pa ang kanang kamay. Nginusuhan ko lang sya. Wala akong pera e. Ginulo nito ang buhok ko. "Dapat kasabay ng surprise ay ang gift. So where is it now?.." Niyakap ko sya kasabay ng halik sa pisngi. "Maybe next time.. hahahaha.." "Next time for me is not acceptable.. I want it now.." nilahad muli ang kanyang kamay. Seryoso sya.. Bwiset!.. "Wala nga po akong pera.." umupo ako galing sa pagkakayakap sa kanya. Inirapan nya lang ako. Bakla rin ata?. Lol!. "Wala kang pera sakin tapos sa taong crush mo meron.." he pouted. "Nah.. kailan ba ako gumastos para sa kanya ha?.." humalukipkip ako na tinawanan nya lang. "Everyday.. hahahaha.." "What?!!.." Hindi makapaniwalang bulalas ko. Anong everyday?. San nya naman nakuha ang ideyang iyon?.. Tsk. "I saw your piggy bank in there. At may pangalan pa ha.. Hahahahaha.." hagalpak nya. Hindi naman maipinta ang mukha ko sa kanyang tuwa. How did he know bout that?. Nakatago yun e . "O well. Atleast it's a little bank. Not totally for him.." "E bakit may pangalan pa nya kung hindi naman pala para sa kanya?.." "Para mas mamotivate ako to earn more.. duh?.." tinawanan nya lang naman ang irap ko. "Damn excuses. Bamblebie. Antayin ko pa rin yung gift ko. Till midnight.. I'm hoping.." tinulak na nya ako palabas ng kanyang silid. Loko din minsan. It runs in the blood pala. Bumalik akong silid ng hinanap ang piggy bank. At nakita ko yun sa baba ng study table. Suskupo!. Kaya pala Bamby e.. Di nag-iingat. Tsk. Tsk. Truth is. Nag-iipon ako para makabili ako ng cellphone. Hindi para bilhan sya ng kung ano. Sumasagi rin naman sa isip ko na maaari, pwede ko syang bigyan ng regalo pero hell. Hindi pa nabubuo ang kapal ng mukha ko para gawin yun. Baka mas lalo lang akong mapahiya. Tama na muna yung kahapon na pagpapahiya sakin ni Kuya. Binuhos ko lahat ng lakas ng loob ko kahapon kaya wala nang natira ngayon. Hours later. We attended the mass. With Joyce. Sa Divine Chapel dito lang sa subdivision. Malapit nang matapos ang misa ng kalabitin ako ni kuya Lance. Sya ang nasa kaliwang gilid ko. Tapos sa kanan ko ay si Joyce tapos si Mama then kuya Mark. "Anong gift mo kay kuya?." bulong nya sakin. Nakatayo na kami para sa huling parte ng misa. Hinayaan ko munang tuluyan matapos saka sya sinagot. Nagmano muna ako kay Mama bago bumaling na sa kanya. Nakayuko na ito at inaayos ang maayos naman nyang buhok. Pagwapo lang. Suskupo!.. "Wala pa eh. kkaw?. May gift ka na?.." nag-angat sya ng tingin. Pinasadahan nya pa ulit ng kamay ang kanyang buhok. Feeling talaga neto!. Sino kayang pinopormahan nya dito e simbahan ito?. Talaga naman!. Tinuro nito ang kanyang palapulsuhan. "What?!.." Hindi ko makuha sinasabi nya. Ampusa!. Bat di nalang kasi sabihin. "A watch.." anya. Saka tinalikuran ako. Pumunta sa isang kaibigan na naispatan nya. Si kuya naman, nakikipagtawanan na sa ibang kakilala. Kaming tatlo, naupong muli. Lumuhod muli si Mama. Habang kami ni Joyce ay nakaupo lang. "Mall tayo mamaya ah.." bulong ko sa kanya. "Bakit?.." "Bili lang ako ng gift ni kuya. Mapilit e.." buntong hininga ko. "O e bat mukhang ayaw mo?.." nagtataka sya sakin. "Tsk. Hindi naman sa ayaw. Nagtitipid kasi ako e..." "Loko. Kuya mo yun. Kaya kahit gumastos ka pa ng malaki. Dapat lang may regalo ka sa kanya.." "Yun nga e. Ayokong gumastos ng malaki. haha.." "Kuripot mo talaga.. gumastos ka rin kahit minsan lang. Hindi yung puro ipon.." "May pinag-iipon nga kasi ako." "E di mag-iipon ka ulit after. Alam mo, habang andyan ang taong mahalaga sa'yo. Pahalagahan mo. Para wag mong pagsisihan sa huli kapag wala na ito.." "Ang lalim mo naman. Gift lang sinasabi ko e.." nguso ko sa kanya. "Hahaha..Alam mo kasi, ngayon ko lang narealize ang mga bagay na nawala sa akin." parang piniga ang puso ko sa kanyang sinambit. Mababasa sa kanyang mata ang lungkot, sakit at panghihinayang. Hindi na ako magtataka pa. May pinagdadaanan pala sya ngayon. Sana maging okay na rin sya sa lalong madaling panahon. "Everything wil be okay. Okay?. Just trust Him. Wag kang manghinayang sa mga bagay na wala na sa'yo. Malay mo, may parating na bago na mas malaki pa sa nawala sa'yo.." Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga sinabi ko. Nagtaka nalang ako na lumabas na ito sa bibig ko. Ganun pala no. Kapag yung taong kausap mo ay may malalim na pinagdadaanan, mararamdaman mo nalang. Yumuko sya bago nagsalita. "Sana nga.." malungkot nyang ngiti sakin. "Claim it Joyce. Soon you'll have it.." "Salamat talaga. Hindi ko na alam ang gagawin kung nasa malayo ka na.." "Eh. Basta. Hanggat andito pa ako. Mag-enjoy nalang tayo ha.. Saka ka na mamroblema. Akong bahala sa'yo.. Okay?.." Matagal syang tumitig sakin bago tumango. Matapos magdasal ni Mama, naupo muli sya. Kaya kinalabit ko ito sa pagitan namin ni Joyce. "Ma.." "Hmm?.." habang binubuksan ang kanyang bag. "Punta kaming mall. Pwede?.." "With?.." tinaasan nya ako ng kilay. Nasa loob pa rin ng bag ang tingin. "Joyce po.. Bili akong gift para kay kuya.." tinignan nya si Joyce. "May pera ka?.." "Yes po.." nilabas ko ang isang libo at pinakita sa kanya. "Idagdag mo na to." sabay abot ng maliit na brown envelope.. Yahoo!.. Amen!. Save my money. Yeah baby Jaden!. Oh damn!. Kagat labi kong kinuha ang inabot nya dahil sa gustong isigaw ng aking isip. Pusa ka rin Bamby!.. Hehe.. "Ang dami nito Ma.." sampung libo dude!. "Pinapabigay ng papa mo yan sa'yo. It's yours. Bahala ka kung saan mo ibibili." Holy cow!. Really.. Mukhang makakabili na rin ako ng cellphone ko. At matetext sya. Damn your assuming heart again Bamby!..  "Thank you Ma.." tumayo ako't niyakap sya.. "You only have 30 minutes Bamby.." mabilis akong kumalas ng yakap sa kanya. "A what Ma?.. 30 minutes?. Suskupo!. Baka hindi pa kami nakakarating. Uuwi na rin kami kaagad dahil sa oras. Ganun po ba?.." humalakhak sya. Namaywang ako sa harap nya. Magbibigay na nga lang ng oras ko. Kaunti pa. Ang unfair lang. "One hour..is okay.." "Pero Ma?.." "One hour Bamby.." pinandilatan nya ako. Great. Really great. "Paano kami makakapili kung isang oras lang?." "Ang dami mong reklamo?. Isang oras o wag ng pumunta?.." taray nya. Yeah right!.. Nagtaray na sya. No choice but to choose to shop in just an hour. Grabe!. Hindi naman ako si Superman para mabilis bumili. Suskupo!.. Umoo ka nalang Bamby para mabilis. "Okay po. One ho--ur.." sinadya kong pahabain ang huling salita ko. Para dagdagan nya pero tinalikuran nya na ako saka kinausap ang kumpulan ng mga kapatid ko. Haist!. Whatever Bamby. You go now. Para mabilis kang makabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD