Chapter 15.4 ISANG Linggo na rin ang lumipas mula noong magkaroon ng napalakas na lindol. Isang linggong walang ibang ginawa si Michael kung ‘di ang makiramdam sa buong paligid at magbasa ng magbasa ng mga libro. At ngayo’y nagpasama siya sa akin para umakyat dito sa mabatong bundok na hindi kalayuan sa talampas. “Ano bang ginagawa natin dito? At ano ba kasing hinahanap mo?” “Naghahanap ako ng kahit na anong uri ng shells—” “Shells? Paanong magkakaroon ng shell dito sa taas ng bundok?” “That’s the point—kung tama ang hinala ko—dapat meron tayong makikitang kahit na anong uri na galing sa dagat.” “Ha? Hindi kita maintindihan—ano ba kasing hinala mo?” “Masyadong malakas ‘yong lindol na ‘yon Eric—pero hindi naman nagkaroon ng tsunami—ibig sabihin—hindi galing sa ilalim ng dagat ‘yo

