Chapter 15.5 NAABUTAN kong umiiyak pa rin si Stephanie habang sinasandalan si Michael. “KAILANGAN na nating umalis sa lugar na ‘to.” “Ha? Pa-paano si Kuya Victor at Kuya John? Iiwanan ba natin sila?” “We can’t leave them—it’s my fault, Eric. Kailangan kong harapin si Victor. Alam kong makikinig siya sa akin—he loves me.” Basang-basa na ng luha ang kaniyang pisngi—kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang itsura at damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa pangyayaring ‘to. “No—hindi na tayo makakaalis pa sa isla na ‘to dahil sinunog na ni Victor ang mga balsa at bangka.” “What why would he do that?” “Wala ng oras para magpaliwanag pa ako Michael.” “Of course, you don’t…” Napatingin ako sa kaniya, “…hey, I know you’re mad at me, but please—kung mayroon pang kaun

