Chapter 15.6 WALANG araw na hindi kami nakakaranas ng paglindol. Walang araw na hindi nag-aalala si Michael sa posibilidad na tuluyang pagsabog ng bulkan sa ilalim ng isla. Walang araw na hindi matamlay si Stephanie at sadyang hindi ‘to nakakabuti sa kalagayan niya—hindi ko alam kung ilang araw o linggo na kaming nagtatago mula noong magdesisyon si Victor na pairalin ang sama ng loob niya mula sa mga pangyayari’t nalaman niya. “Baka naman pwede na nating balikan si Victor. Kausapin siya—baka sakaling makikinig na siya sa atin.” Mahinahon na may halong pag-aalinlangan na sabi ni Stephanie. May kaunting liwanag naman na’t papasikat na rin ang araw. Namamatay lang ng apoy na ginawa ko kagabi—pumauusok pa ‘to. Lumapit ako sa isang mababang puno’t bumali ng sangga. Binalatan ko ang dulo ni

