Chapter 15.7 NAKASILONG lang talaga kami ni Stephanie sa ilalim ng isang napakalaking bato; nakatayo—hindi pa rin talaga ‘to sapat para sa amin dahil sa hangin na pumaiikot ikot sa palagid. Ihinarang ko na lang ang sarili ko para kahit papaano’y maibsan ko ang lamig na direktang tumatama sa katawan ni Stephanie. “Sorry kung hindi ko nabantayan si Michael.” Mahina ang tono ng kaniyang boses at may halong paninisi siya sa kaniyang sarili. Wala na talagang isang pulgada ang dikit namin sa isa’t isa. Iniiwasan ko lang na masagi ko talaga ng tiyan niya. Nakakapit ako sa itaas ng bato’t napayuko ako’t napatingin sa kaniya. Sinasalo ng aking likuran ang malakas na hampas ng hangin na may kasamang malakas na ulan. Hindi ko na talaga inaalintana ang lamig, ang pagkabasa—magkasama kaming dal

