Chapter 15.3 “KANINONG dugo ‘yan? At—nasaan ba sila? Kuya Victor! Stephanie?” Ramdam ko ang takot at pangamba sa boses ni Michael. Napatingin din ako kaagad sa taas—at panigurado akong walang din talagang tao rito ngayon bukod sa aming dalawa—at wala rin nagresponde sa tawag niya. Pumahiwalay muna ako sa kaniya’t nilapitan ko ang dugo’t pumatunghod ako’t dinama ko sa daliri ko ang lapot at init nito—napakasariwa pa talaga nito’t meron kaagad akong napansin. “Dugo ng hayop ‘to Michael.” “Ha? May sumakalay na naman bang mga mababangis na hayop dito habang wala tayo?” “Hindi ko alam—mas mabuti pa kung umakyat ka na lang muna sa taas, hahanapin ko muna sila.” “Sasama ako sa’yo—” Tumayo ako’t lumapit akong muli sa kaniya, “…mas ligtas ka rito. Sa taas.” “Sinabi mo sa akin—hindi mo

