Agatha Beatrix's POV Simula nang makita ko siya muli ay hindi na ko natahimik. Nabagabag na talaga ang loob ko simula ng makita ko siya. Mas lalo pa kong natakot dahil basta na lamang siyang umalis kagabi. Sigurado kong may plano ang lalaking 'yon at hindi siya basta-basta na lang papayag na hindi niya nakukuha ang bagay na gusto niya. Kilala ko si Nicolas at alam ko kung gaano siya kadeterminadong tao na makuha ang mga bagay na gusto niya. Noon pa lang nang makilala ko siya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang maikasal ako sa kanya. Ang malas niya lang dahil nalaman ko ang mga plano niya kaya nakatakas kaagad ako sa kanya. Pero ano na kaya ko ngayon kung hindi ko nalaman ang mga plano niya? Ano na kaya siya ngayo kung wala akong mga natuklasan? Si Liam? Malamang patay na kami pare

