Agatha Beatrix's POV "Happy birthday, Liam!" sabay-sabay na bati namin. Ang bilis lumipas ng araw. Sobrang bilis at hindi ko man lang namamalayan na nakasama ko na pala si Liam sa tatlong beses niyang pagdiriwang. Tatlong taon ang lumipas. Tatlong taon na nahirapan ako sa simula pero nakaahon pa rin naman sa kalungkutan kasama si Liam. "Thank you, thank you! Thanks dad and of course..." Tumingin sa akin si Liam na katabi kong nakaupo sa isang long table. "Thank you, Agatha." Isang maliit na pagsalo-salo sa loob ng bahay ng daddy ni Liam. Na ang tanging mga bisita ay ang mga kaibigan na abogado at prosecuture ni tito Lime. Hindi mahirap pakisamahan ang ama ni Liam. Sobrang bilis ko lang napalapit sa kanya dahil tulad ni Liam, mabait din siya. "Wala 'yon," masayang saad ko. Masaya kon

