Agatha Beatrix's POV Limang araw na puno ng kalungkutan kahit wala naman akong kinakausap o dapat na problemahin. Limang araw na parang ang dilim-dilim at kailangan mangapa sa bawat dadaanan ko. Back to zero kung baga. Nakakapanghina. Dapat masaya ko dahil napigilan ko ang pagpatay niya ng isa na namang tao na wala namang kasalanan. Dapat masaya ako dahil pinili ko ang sarili ko na hindi masaktan dahil kapag siya ang kasama ko tiyak naman na masasaktan ako dahil nakikita kong mahal na mahal niya pa rin si Avionna. Kailangan ko ng pampalubag loob na okay lang ang lahat. Na magiging okay din ako dahil sa pinili kong desisyon. Bagong buhay na ang tatahakin ko ngayon. Bagong buhay na malayong-malayo sa kinagawian ko noon. Dapat na kong magsimula muli na walang Ayeza na palaging nariyan sa

