bc

His & Her Confessions

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
HE
brave
heir/heiress
sweet
bxg
detective
office/work place
disappearance
surrender
like
intro-logo
Blurb

Ang unang pagkikita nila Brix at Cheska ay hindi isang typical na love story, mapagbibintangan si Cheska sa isang krimen na hindi naman niya ginawa at si Brix na isang mortal niyang kaaway ang magiging saksi sa buong katotohanan at bilang kapalit ay kailangan niyang magpanggap na girlfriend nito para makaiwas ito sa isang arranged marriage ng pamilya nito. Hindi magtatagal ay mabubuhay sila sa isang pagmamahalan na puno ng kasinungalingan ng pagkatao ng bawat isa. Patuloy siyang ikukulong sa isla ni Brix para gampanan ang pangako nya rito kabayaran para maging witness ito sa kaso niya hanggang sa malaman niya na ang ama pala nito ang siyang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama kung kailan hulog na hulog na ang nararamdaman niya para rito. Kasabay noon ay ang pagkatuklas niya sa pagkatao nito na ito pala ang totoong may-ari ng isla kung nasaan siya naroon na ang paniniwala niya ay isa lang itong tauhan sa islang iyon. She felt lost and betrayed, kaya tumakas siya sa isla . At para hindi siya masundan nito ay nanirahan siya sa ibang bansa at doon nag-aral, itinanim niya sa isip niya na kailangan niya itong magantihan sa ano mang paraan. Umuwi siya ng Pilipinas at nagtayo ng sarili niyang negosyo kung saan pinili niyang maging kakompetensya ang negosyo nila Brix. Plano niyang pabagsakin ito hanggang sa ito mismo ang magmakaawa sa kanya na tumigil na.

Sa gitna ng laban nila ni Brix, malalaman niya na hindi ito pumayag sa arranged marriage na pinalano ng magulang nito, hinanap pala siya nito hanggang sa matunton siya nito sa ibang bansa, doon ay palihim siya nitong sinuportahan sa lahat ng bagay to the point na kumuha ito ng matitirhan malapit sa tirahan niya. Parte pala ito ng lahat ng kaganapan sa buhay niya habang nasa ibang bansa siya at walang ibang iniisip kundi ang paghihiganti.

Sa pagkakataong iyon ay mahihirapan siyang isakatuparan ang plano niya dahil muling umusbong ang isang pamilyar na damdamin sa puso niya. Mas lalo silang pinaglapit ng tadhana nang malaman niya na aksidente ang nangyari sa kanyang ama at walang kinalaman doon ang pamilya ni Brix. Saan hahantong ang pagpipigil ng dalawang puso kung parehas silang mataas ang pride at ayaw umamin sa nararamdaman ng bawat isa? Saan hahantong ang kompetensiya ng negosyo na nauwi sa kompetensiya ng puso?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Stranger From Somewhere
Makikita ang paglabas ng mga soco at nbi sa lugar may nangyaring hindi maganda sa resort ng mga Bermudez, isang lalaki ang natagpuang wala ng buhay sa kwarto nito at hinihinalang sangkot ito sa droga at nabaligtad ng mga kasamahan. At sa mga oras na iyon abala si Brix Bermudez sa pag-aasikaso para hindi ito mailabas sa social media, dahil ang resort nila na kilala sa tawag na Island of Love ay sikat sa maraming tao. Nakilala sila dahil sa nagkalat na paniniwala noon pa sa mga ninuno pa na nagmamay-ari noon ng isla na lahat ng nagpupunta doon na gustong makahanap ng makakapareha sa buhay ay nakakatagpo ng soulmate sa lugar. Lahat din ng nabuong love story sa lugar ay doon na rin pinipiling ganapin ang kanilang kasal kahit pa may kalayuan ito sa siyudad dahil nag-iisang isla ito sa lugar. Si Brix Bermudez ay isa sa mga anak ng may-ari ng resort na ito at piniling maging head ng security ng nasabing resort. Walang sino man ang nakakaalam na isa siya sa mga totoong may-ari ng resort maliban sa bestfriend niya at kaanak. Gusto niyang makilala ng husto ang lahat ng tauhan ng resort, ang mga totoong kinikilos ng mga ito at kung may saloobin man sa pamamahala ay agad niyang malalaman. At ng mga sandaling iyon hindi niya matanggap na may nangyaring hindi maganda sa ilalim ng kanyang pamamahala.Ayaw niyang masira ang pangalan ng kanilang resort kaya nakiusap siya sa mga pulis na wala sanang lalabas sa media tungkol sa nangyari sa resort hangga’t hindi pa napapatunayan kung sino ang may sala. “Don’t worry. I can manage everything here.” kausap ni Brix sa telepono ang nakatatanda niyang kapatid na si Carlo Bermudez. “Huwag kang masyadong ma-stress bro, paminsan-minsan mamasyal ka, lumabas ka sa isla para hindi ka masyadong stress sa trabaho.” payo ni Carlo dito. “You knew me bro, ayokong mamantsahan ang pangalan ng resort kaya all eyes ako sa negosyo natin. Dapat all eyes ako lalo na sa mga pasaway na guest, ayokong maulit pa ang mga nangyari dito, once is enough.” pangako ni Brix sa kapatid. “Siya sige oo na. Basta huwag mo ring pabayaan ang sarili mo mamaya niyan hindi ka na makapag-asawa.” panunukso ni Carlo. Alam nitong pihikan si Brix sa babae kaya halos bilang na bilang ang mga nagiging girlfriend nito, hindi pa umaabot ng isng buwan ang itinatagal nito sa isang relasyon, puro one night stand lang ang dumadaan sa maga kamay nito. “Siya nga pala may parating akong bagong yate, regalo ko sa iyo sa pagiging workaholic mo para makapaglibang ka naman.” tukso pa nito. Samantala sa Maynila. “Mommy , marami naman po kaming magkakasama pati sila Gilda at Jeff kasama rin po.” paalam ni Cheska sa mommy niya. Kasalukuyan silang nagpaplano ng get-away ng mga barkada niya sa isang isla. “Ayon na nga eh! Last time na magkakasama kayo ng Gildang yan eh nasangkot ka pa sa gulo!” galit na sigaw ni Mommy Marcela. “Mom, I’ll promise this time behave kami. Please mommy!” nagpapungay pa ng mata si Cheska para lang payagan siya, pero deep inside alam niyang hindi siya matitiis nito. “Anak hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo, what you want what you gets. Mana ka sa ama mo matigas ang ulo.” nag-ulap ang mga mata nito nang maalala ang asawa. Niyakap naman siya ni Cheska. “Mommy don’t be sad, you are the best mom ever. Kahit pasaway ako mahal na mahal po kita.” wika ng dalaga sa nalulungkot na ina. Matagal ng namatay sa aksidente ang kanyang ama, hit and run ang nangyari dito. Bata pa siya noon, ayon sa kanyang ina mayaman ang nakasagasa sa kanyang ama kaya nabayaran nito ang hustisya na hindi na nakamit pa ng kanyang ama. ‘I’ll go ahead mom. I love you. I’ll call you when I get there!” paalam niya. Napailing na lang na sinundan siya ng tingin ni Marcela, lahat ng luho ng kanyang anak na bunso ay sinusunod niya kaya masasabi talaga na spoiled brat ito. Saksi siya kung gaano ito nahirapang tanggapin ang pagkamatay ng kanyang ama dahil close na close sila sa isa’t-isa kesa sa kapatid niyang panganay na nasa Japan at nagtatrabaho. “Hoy! Gilda ilibre niyo ako sa food ah! Nahirapan akong magpaalam kay mommy eh! Bakit kasi sa isang remote island pa pwde naman sa Boracay na lang or sa Palawan.” reklamo niya. “Dapat sinabi mong kasama kami ni Jeff para pinayagan ka agad.” wika ni Gilda na abala sa pagsasalansan ng gamit sa maleta habang nasa airport sila. “Naku! Mas lalo kamo akong ayaw payagan nang malaman na kasama kayong dalawa ng jowa mo.” nakasimangot na ngumuso pa si Cheska. Sa totoo lang ayaw niyang kasama ang boyfriend ng kaibigan niya dahil basag trip ito lagi, kumbaga killjoy sa salitang killjoy ito. Pero wala naman siyang choice dahil gusto nito laging nakabuntot sa kaibigan niya. ‘Wow! Ang ganda dito!” bulalas ni Cheska nang marating na nila ang isla. Mula pagbaba nila sa airport ay gumamit pa sila ng private chopper para lang marating ang isla. Ang chopper na sumundo sa kanila ay exclusive lang para sa customer ng resort. Magkakasama silang magkakaibigan na bumaba mula sa chopper kasama sila Janice at Marty na mag-boyfriend din at Paul na kababata naman niya. Napakaganda ng lugar, makapigil hininga ang mala-paraisong ganda ng tagong isla na iyon. Saktong-sakto sa mga taong gustong lumayo sa ingay ng siyudad. Napakalinaw ng tubig nito at puting-puti ang buhangin na pwedeng ipantapat sa ganda ng mga nangungunang pasyalan sa Pilipinas. Samantala, habang sinusubukan ni Brix ng bagong dating na yate ay natanaw na niya mula sa binocular na hawak ang pagdating ng grupo ni Cheska. Simula ng makarating ang mga guest sa lugar ay minamatyagan na niya ang mga ito paglapag pa lang ng chopper para masiguro ang kaayusan ng lahat. Iyon ang dahilan kaya nag request pa siya ng isang yate para makapagmasid siya buhat sa malayo ng walang nakakapansin. Nakita nyang tuwang-tuwa na naghabulan ang grupo kahit hindi pa nailalapag ang mga bagahe ng mga ito. Naglaro pa ang mga ito sa buhangin kaya halos maistorbo ang ilang mga guest na natutulog sa ilalim ng sikat ng araw para sa sun bathing. “Mukhang hindi gagawa ng maganda ang grupong ‘to ah” bulong ni Brix sa sarili. Hindi lang iyon ang napansin niya, nakatawag rin sa pansin niya ang kasama nitong babae na pinaka magaslaw kumilos at pinaka maingay sa grupo, mukhang taglay nito ang ayaw niya sa isang babae. “Sayang maganda ka pa naman” nahamig ni Brix ang sarili. Kailan pa siya humanga sa isang babae? Sa buhay niya, womens come and go. After ng one night stand ay hindi na siya nakikipag communicate sa mga ito na malinaw niyang sinasabi bago niya ito makatabi sa kama. Hindi rin naman masasabi na player siya dahil alam ng mga nakakatabi niya sa kama ang rules niya. Napailing siya. “Mukhang kailangan kong bantayan ang grupong ito.” mabilis na pinaandar niya ang yate pabalik sa pampang. “Guys! Mamaya i-try natin yung bar nila dito, balita ko masasarap yung mga binibenta nilang wines.” aya agad ni Janice. “Sige, but as of now maghanap muna tayo ng pwedeng kainan dahil kanina pa nagrereklamo yung sikmura ko.” sabi ni Gilda. Pagkatapos maayos ang mga gamit nila ay lumabas na nga sila ng kwarto, lagpas na ng tanghalian kaya gutom na gutom na talaga sila. Maraming pagpipilian na kainan sa lugar may unlimited buffet, may seafoods, may korean at japanese foods. “Ayun oh! Unlimited Seafood!” excited na turo ni Marty. Nagkasundo sila na doon na nga kumain. Mula sa malayo ang pumuwesto na rin sa isang sulok si Brix para bantayan kung anong ugali mayroon ang grupo, sabi nga nila first impression lasts or baka nagkakamali lang siya sa akala niya. Kilala na siya ng lahat ng may-ari ng mga establishments na andoon pati ng mga staff kaya alam nila ang dahilan kung bakit nauupo siya bigla sa loob. Kilala siya bilang head of security ng lugar. Alam ng lahat na siya ang namamahala sa kapayapaan ng paligid sa loob ng ilang taon. Walang nakakaalam kahit isa na siya ang totoong may-ari ng islang iyon. Ayaw niyang ipaalam sa lahat ang totoo para makahalubilo siya ng maayos sa lahat ng tauhan ng walang pagkailang sa mga ito. At dahil ang alam nila ay isa lang din siyang simpleng tauhan ay nalalaman niya ang hinaing ng bawat isa at agad niya iyong masosolusyunan. “Grabe! Mukhag masarap ang mga pagkain nila dito.” ani Paul habang nilalapag sa mesa ang mga orders nila. “Yes sir I’m sure po mageenjoy kayo sa mga pagkain dito dahil lahat po iyan ay fresh from the sea.” masayang sabi ng waitress. Palihim pa itong kinindatan ni Paul na ikinakilig naman nito. “Kahit kailan talaga wala kang pinipiling lugar para makipagflirt, kahit poste yata papatusin mo basta nakapalda eh!” tukso ni Cheska. Tawanan ang lahat. Maayos namang kumain ang lahat. Maliban kay Cheska na kanina pa pinagmamasdan si Gilda na hindi mapakali pagkatapos nilang kumain. Waring may gusto itong sabihin sa kanya. Mamaya gagawa ako ng paraan para makapag solo kami. Isip-isip ni Cheska. Pagkatapos kumain ay nagkuhanan sila ng litrato sa paligid. “Group picture tayo!” sigaw ni Cheska sa lahat. Siya namang pagdaan ni Brix sa likuran niya. “Excuse me mister, pwede mo ba kaming kuhanan ng picture?” ani Cheska dito humawak pa siya sa braso nito para tawagin ang pansin nito. Tumingin ng matalim si Brix sa kamay ng dalaga na nakahawak sa braso niya. “Oops! Sorry.” awkward na reaksiyon ni Cheska. Mukhang masungit. Aniya sa sarili. Walang imik na kinuha ni Brix ang cellphone niya at kinuhanan sila ng litrato, ni hindi ito nagbilang man lang basta na lang pinindot ang cellphone niya at iniabot iyon sa kanya at umalis. Lahat sila natulala sa ginawa nito. “Ang sungit naman nun!” bulalas ni Janice. “Pero ang gwapo niya huh in fairness. Tall, dark and handsome!” kinikilig pang wika ni Gilda. Di alintana ang pagdilim ng mukha ni Jeff sa sinabi niya. “Anong handsome? Baka hands-sama!” hagalpakan sila ng tawa sa birong hirit ni Cheska.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
100.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.0K
bc

The Forgotten Wife

read
42.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
26.6K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.7K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook