Nagpahinga muna sila sa kwarto pagkatapos kumain. Naisipan nilang sa gabi na lang lumabas para mag bar hopping. Ilang araw naman sila doon kaya ok lang na hindi sila magmadali sa pamamasyal. Magkabukod sila ng kwarto sa tatlong lalaki na kasama nila, kaya nang makapasok sa kani-kanilang kwarto ay nakakuha ng pagkakataon si Cheska na kausapin si Gilda.
Humagulgol ito ng iyak, hinubad nito ang jacket kasama ng suot na t-shirt sapat para makita nila lahat ng pasa at sugat nito sa katawan. Nagulat si Cheska at Janice sa nakita, alam nilang nananakit si Jeff pero hindi nila alam na ganito na pala kalala ang lahat.
“Oh my God dhadha hinahayaan mo na gawin niya yan sa iyo?!” natawag ko tuloy siya sa pet name siya sa sobrang pagkabigla.
“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Janice.
“Balak ko ng makipag break sa kanya kaya pumayag akong sumama siya dito. Alam mo naman kung sino talaga ang mahal ko.” naiiyak na si Gilda habang nagsasalita. Ang tinutukoy nito ay si Paul na kababata niya na nawalan ng lakas ng loob na manligaw sa kanya mula ng pormahan siya ni Jeff.
“Hindi ko na kaya ang ginagawa niya saking pananakit.” napayakap sa sarili si Gilda habang umiiyak.
“Support kita diyan friend sa kung ano man ang desisyon mo. But please sabihin mo sa amin kung kailan mo yan balak gawin para mabantayan ka namin. Hindi natin alam ang pwedeng gawin ni Jeff sa iyo.” awang-awa si Cheska kay Gilda. Kaso si Gilda lang ang makakatulong sa sarili niya ang pwede niya lang gawin ay suportahan ito sa bawat desisyon niya.
Nang gabi ring iyon ay napagpasyahan nga ng grupo na mag bar hopping. Mula sa sulok ng isang bar ay nakikita ni Brix ang kilos ng grupo. Pinaubaya niya sa ibang team ang pagbabantay sa ibang lugar para matutukan niya ang grupo nila Cheska.
Nakakarami na ng order na alak ang grupo nila Cheska, nagsasayawan na rin ang mga ito lalo na ng magpatugtog ang dj ng nakakaindak na tugtugin. Lasing na ang lahat, may kanya-kanya na silang mundo. Si Paul ay may kalampungan na isang di-kilalang babae sa lamesa na nakiupo sa kanila. Samantalang si Gilda at Jeff ay lumayo sa grupo at tinungo ang dalampasigan. Kasalukuyang nagsasayaw si Cheska nang mapansin na umalis ang dalawa. Ganun na lang ang pag-aalala nya. Abala si Marty at Janice sa gitna ng sayawan at kahit anong sigaw niya para tawagin ang mga ito ay hindi siya nito marinig sa lakas ng tugtog.
Kumalas siya sa ingay ng lugar at sinundan si Gilda at Jeff.
“Saan na kaya sila nagpunta?” bulong ni Cheska sa hangin bakas sa mukha ang pag-aalala. Kahit medyo hilo na dala ng nainom na alak ay pinilit niyang maglakad para hanapin ang dalawa. Hanggang sa nakabangga niya ang isang lalaki na may malapad na balikat. Napasandig siya sa dibdib nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Matikas ito at matangkad. Malaki ang dibdib na para bang ang sarap makulong sa mga yakap nito. Maliit ang bewang nito na may katambukan naman ang pwetan. Napapikit siya.
“Miss? Tapos ka na bang pagpantasyahan ako?” wika ni Brix na na-amuse sa reaction sa kanya ng babae. Hindi na bago sa kanya ang ganoong reaksiyon sa isang babae pero bakit may kakaiba siyang naramdaman nang titigan siya nito? Parang may maliliit na kuryenteng dumaloy sa kaibuturan ng mga ugat niya. Talagang sinadya niyang sundan ito dahil nakita niyang umalis ang dalawa nitong kaibigan at nag-iisa ito baka mapaano pa ito kung saan man ito mapadpad lalo na at nakainom ito.
Hindi namalayan ni Cheska na nakasandal pa rin siya dito halos nakayakap pa nga siya. Muntik pa nga siyang matumba ng itulak siya nito palayo sa katawan nito.
“Excuse me! In your dreams! Sino ka ba? Ikaw ang bumangga sa akin!” inis na sagot ni Cheska.
“Miss look, isa ako sa mga security personnel dito at duty ko ang bantayan ang kilos ng bawat guest para maiwasan ang kahit na anong gulo.” may diin sa salitang gulo ang binitawan ni Brix.
“So sinusundan mo pala ako?! Anong akala mo sa akin? gangster?! “ inis na sabi ni Cheska. Hinawi niya ang braso nito para makadaan siya pero hinila nito ang braso niya at hinawakan iyon ng mahigpit.
“Don’t you dare to do some trouble or else..” sagot ni Brix na pinutol naman ni Cheska.
“Or else what?! Padabog na sagot ni Cheska.
“Don’t you dare to step on my way Mr. Security Personnel!” matapang na sagot ni Cheska, sabay tinuhod niya si Brix sa gitnang parte ng katawan nito na ikinabigla nito sabay takbo ni Cheska.
Napakayabang! Isip-isip ni Cheska. Malayo na ang nararating niya. Pagod na siya sa kakatakbo, malamig ang simoy ng gabi at malayo na siya sa karamihan. Napansin niya ang isang kubo sa di-kalayuan hindi ito masasabing cottage ng lugar dahil nakabukod ito sa karamihan. Mukha itong pahingahan ng mga trabahador. Paglapit niya sa kubo ay may naulinigan siyang nagtatalo at sigurado siya na sina Gilda at Jeff iyondahil sa boses ng mga ito. Nagtago siya sa isang madilim na parte ng kubo.
“Let me go please!” impit na sigaw ni Gilda.
“No! Ang laki na ng puhunan ko sa iyo, lahat binigay ko para sayo tapos makikipaghiwalay ka sa akin?! Pagkatapos ng lahat ng ginastos ko sa nanay mo!” galit na galit na si Jeff.
Maysakit ang ina ni Gilda kasalukuyan itong nasa ospital. Brain dead na ito at makina na lang bumubuhay dito at si Jeff ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya.
“Jeff, sapat na ang lahat ng pananakit mo sa akin bilang kabayaran sa lahat!” umiiyak na si Gilda.
Sa puntong iyon ay tumaas ang kamay ni Jeff at sinampal si Gilda, hindi pa ito nakontento at sinuntok pa nito sa sikmura si Gilda. Bumulwak ang dugo sa bibig ni Gilda sa lakas ng impact ng suntok nito. Akma pa sana nitong ihahampas ang nakitang makapal na kahoy pero maagap na lumabas sa pinagtataguan si Cheska at dumampot ng malaking bato. Pinukpok niya iyon sa ulo ni Jeff. Duguan itong bumagsak sa buhangin. Nabigla si Cheska sa nagawa niya, hindi niya ini-expect na magagawa niya iyon. Lumapit siya kay Gilda at niyakap ito.
“Shh.. ok na. Huwag ka ng umiyak.” alo niya sa kaibigan. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Gilda at dahan-dahang nilapitan si Jeff. Marahan niyang ginalaw ang katawan nito. Hindi na ito gumagalaw at sa tingin niya ay hindi na rin ito humihinga pa. Bigla ang dating ng reyalisasyon sa utak ni Cheska.
“Nakapatay ba ako?” tanong niya sa sarili. Niyakap siya ni Gilda.
“Don’t worry I’ll be your witness, promise I’ll stand with you. Sasabihin nating self defense ang nangyari.” wika ni Gilda.
Nang mahimasmasan ay naisip niyang ireport ang nangyari kay Brix, naalala niyang head ito ng personnel kesehodang nagkasagutan sila bahala na!
“Let’s go, humanap tayo ng security na pwedeng tumulong sa atin.” inaya niya si Gilda na umalis na sa lugar. Tumakbo sila paalis para humanap ng tulong. Lingid sa kaalaman nila ay nakita pala ni Brix ang lahat at nairecord niya iyon sa cellphone niya. Nakuhanan niya ng video ang buong pangyayari kasama ang pananakit nito kay Gilda. Makikialam na sana siya sa pangyayari nang magulat siya nang lumabas mula sa dilim si Cheska at sinugod ng bato si Jeff kaya napagpasyahan niyang pakiramdaman muna ang susunod na mangyayari.
“Chief Brenan, hello magpadala kayo ng ambulance yatch dito, we have an emergency.” aniya sa radyo na nakasukbit sa tagiliran niya. Kinapa niya ang pulso ni Jeff, buhay pa ito. Mabuti na lang at malalim na ang gabi, hindi na masyadong mapapansin ng mga tao kung may isasakay silang sugatan sa yate para dalhin sa ospital sa kabilang ibayo. Laging may nakaantabay na yate sa resort nila in case of emergency.
Hinatid muna ni Cheska sa kwarto si Gilda bago naghanap ng tulong. Lumabas siya para hanapin ang office ng nasabing resort.
“Nasaan ba yung mokong na yun? Kapag kailangan wala, kapag hindi naman bigla bigla na lang sumusulpot.” inis na wika ni Cheska. Habang naglalakad ay nakita niyang may apat na tao ang tumatakbo gawi sa kubo, sumigid ang kaba sa dibdib ni Cheska. May nakakita kaya kay Jeff? Nahintakutan siya sa naiisip.
Narinig niyang may kausap ang isang lalaki na dumaan sa harapan niya. May kausap ito sa cellphone at tama nga ang hinala niya may nakakita na sa katawan ni Jeff at dadalhin nila ito sa ospital sa kabilang ibayo sakay ng yate. Pahakbang na siya papunta sa nakadaong na yate pero naunahan siya ng takot na umamin sa nagawa niya.
“Lord please help me ayoko pang makulong. Anong gagawin ko?” Natataranta na si Cheska. Nakita niya sa malayo na binubuhat ng mga personnel ang katawan ni Jeff. Nakaramdam siya ng takot kaya tumakbo siya pabalik sa kwarto nila.
“Anong nangyari? Nakahingi ka ba ng tulong?” tanong ni Gilda na natataranta na rin. Wala pa sa kwarto nila si Janice ng mga oras na yun.
“M-may nakakita na sa k-katawan ni J-Jeff.” nauutal na sa takot si Cheska.