Chapter 8
Wala ng dahilan pa para manatili siya sa isla. Sa Maynila na niya kakausapin si Gilda, siguradong may mabigat itong dahilan kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang totoo. Dali-dali siyang nag-empake ng mga gamit. Tumawag siya sa front desk para magpasundo sa chopper na para lamang sa mga guest na talagang nakalaan para sa mga paalis sa resort na iyon, ganun ito kalayo sa siyudad. Paglabas niya ng kwarto ay may nakita siyang paparating na chopper na inakala niyang siyang magsusundo sa kanya pero bago pa siya makalapit doon mula sa pinagkukublihan ay nauna ng lumapit doon si Brix, bumaba doon ang isang babae na halos kaedad lang ni Brix sa itsura at isang may edad ng babae na halatang sopistikada sa ayos at kilos nito.
“Welcome home mom.” narinig niyang wika ni Brix sabay halik sa matanda. Humalik din siya sa pisngi ng magandang babae na kasama nito. Sinundan niya ng tingin ang babae na umangkla kaagad sa braso ni Brix habang naglalakad. Nakaramdam siya ng inis. Tumalikod siya para sa kwarto na lang hihintayin kung dumating na ang kanyang sundo saka naman siya nabangga ang isang bulto ng katawan ng isang lalaki.
“Aray!” humawak pa siya sa ulo niya, ang tigas ng dibdib ng nakasalubong niya.
“Miss ok ka lang?” sabi nito. Napatingala siya at napatulala. Paano’y ang gwapo ng kaharap niya, matangkad din ito at parang model ang hubog ng katawan.
“Cheska, right?” wika nito na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” tanong niya.
“Hi, I’m Dave Bermudez.” pagpapakilala nito sabay abot ng mga palad.
“Bakit mo ako kilala?” tanong niya habang inaabot ang palad nito.
“Kapatid ako ni Brix, kinukwento ka niya sakin.” sagot nito.
“Ah.” yung lang ang tangi niyang naisagot. So, kasabwat din ba ito ni Brix? Tanong niya sa isip.
“Ah sige pala balik muna ako sa kwarto ko.” paalam niya at walang lingon-likod na lumakad palayo.
“No wonder ayaw siyang pakawalan ni Brix, maganda siya.” napapangiting wika ni Dave sa sarili saka lumakad na rin palayo.
At dahil muling sumama ang panahon ay ipinatigil pansamantala ang paghahatid sundo sa mga guests para na rin sa kaligtasan ng lahat. Walang ibang choice si Cheska muli siyang nagbihis ng pambahay, nagsuot siya ng maiksing short na kitang-kita ang maputi niyang binti. Nag-isip siya kung ano ang gagawin.
Naglakad-lakad siya sa labas kahit pakiramdam niya ay muling sumama ang pakiramdam niya sa mga natuklasan kay Brix. napadaan siya sa isang guest room medyo nakaawang ang pinto ng kwarto nun kaya nadinig niya ang pinag-uusapan sa loob.
“Brix, masanay ka na kay Ellen malapit na rin kayong ikasal kaya araw araw mo na rin siyang makakasama.” naririnig niyang sabi ng mama ni Brix na mas lalong nagpatindi sa kagustuhan niyang makinig pa.
“Gusto kong maayos ang makakasama mo sa buhay. You’re not getting any younger itigil mo na ang pakikipaglaro mo sa mga babae. Kailangan ko na ng apo habang malakas pa ako at kaya ko pang magbuhat ng bata.” dagdag pa nito habang sumisimsim ng wine.
Hindi na niya narinig pa ang isinagot ni Brix dahil patakbo na siyang bumalik sa kwarto niya. Ni hindi niya napansin na nasalubong niyang muli si Dave na nakita pala siyang nakikinig sa usapan sa labas ng kwartong iyon.
Pagpasok niya sa kwarto ay muli na naman siyang umiyak, ang sakit sakit naman! Ikakasal na pala si Brix sa iba. Bakit ipinaramdam nito sa kanya na special siya? Umasa tuloy ang puso niya. Oo nga pala, maituturing lang pala akong damong ligaw dito sa isla, sino nga ba ako para pahalagahan niya? May choice ako para tumanggi sa lahat ng mga nangyayari pero hinayaan kong may mangyari. Hanggang ngayon hindi parin bumabalik sa kwarto niya si Brix, nakalimutan na siya nito.
“Mom I will not tolerate this arranged marriage! Please, don’t do this to me!” wika ni Brix.
“Hijo, makakatulong sayo si Ellen in terms of managing and expanding our business. Alam na niya ang pasikot sikot sa ganitong klase ng negosyo.” paliwanag ng mama niya.
“Mom, I’m sorry but i can’t do this. Ang pakakasalan ko lang ay ang taong mahal ko. Ayaw kong matulad sa inyo ni daddy. Fixed marriage and look what’s happened? It ends in nothingness.” buo na ang loob ni Brix. Napakagat labi si Ellen sa tinuran ni Brix nasasaktan siya sa mga sinasabi nito.
“Ikaw rin naman Ellen diba? You won’t let this happen? I’m sure you’ll love to marry the man you love.” kumukuha ng simpatiya si Brix sa dalaga. But i love you! Bulong ng isip ni Ellen hindi niya iyon masabi sa harap ng binata.
Sa sulok ng mga mata ni Brix nakita niya na napamaang ang kaniyang ina sa mga lumalabas sa bibig niya lalo na ng banggitin niya ang married life ng kaniyang ina na hindi nagwork-out.
“Magkaiba tayo ng sitwasyon anak.” may garalgal sa boses g kaniyang ina.
“You don’t know what I’ve been through para lang mabigyan kayo ng magandang buhay na magkakapatid. Me and your dad, we sacrificed everything and it’s love son.” may himig ng pait ang tono ng kaniyang ina. Tumayo ito at maya-maya pa ay nawalan ito ng malay.
“Doc, tell me what happened?” may halong pag-aalala ang boses ni Brix at Dave. Pinatawag nila ang kanilang family doctor na si Doc Wesley at dahil din sa nangyari ay nagsisugod sa isla ang iba pa niyang mga kapatid.
“Hintayin muna nating makarating ang mga kapatid mo at magising ang iyong ina.” sagot nito. Maya-maya pa ay dumating naman si Carlo ang nakakatanda nilang kapatid. Sama-sama sialng nakaupo sa kwartong iyon habang hinihintay na magising ang kanilang ina. Tinawagan ni Brix ang isang staff para utusan na asikasuhin si Cheska alam niyang hindi pa maganda ang kalagayan nito.
Nang magising ang kanilang ina ay sumenyas ito sa doktor.
“Panahon na para ipagtapat sa inyo ang kalagayan ko, hindi ko na maitatago pa ang sakit ko. I was diagnosed with a brain cancer stage 3. Matagal na itong alam ng ating doktor pero pinili ko munang ilihim ito nung una, walang definite time kung hanggang kailan na lang ako sa mundo, maaaring mamaya o bukas, sa makalawa o sa susunod na taon.” pagtatapat ng kanilang ina. Speechless silang lahat, prank ba ito o ano man ay hindi ito maganda. Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat.
“C’mon children buhay pa naman ako.” pinipilit ng ina nila na ngumiti. Isa-isa silang yumakap sa kanilang ina, walang salita na namutawi sa mga bibig nila hanggang si Dave ang bumasag sa katahimikan ng lahat.
“Mom. everything will be alright ok, sa overseas ka namin ipapagamot marami doong specialist about sa sakit mo. You will be fine.” basag ang boses ni Dave.
“Mom bakit hindi mo pa ito ipinagtapat noon pa para mas maaga ka pa namin naipagamot?” may hinanakit sa boses ni Carlo.
“Mga anak ko, don’t worry that much, natanggap ko na ang lahat ng maluwag sa dibdib ko. You are all grown ups. Masaya akong lilisan dahil nakikita kong stable na ang buhay niyo sa pag-alis ko. Apo na lang ang kailangan ko mga anak kaya bilisan niyo na ang pagpapakasal niyo.” ngumiti ang kanilang ina.
“Ilang apo ba ang gusto niyo?” garalgal na rin ang boses ni Carlo.
“Kahit ilan bibigyan kita pagkatapos naming magpakasal ni Dianne.” dagdag nito. Mahal na mahal nila ang kanilang ina, kahit hindi sila makapaniwala sa set up ng mga magulang nila ay hindi nila kailanman narinig na nagsiraan ang dalawang magasawa. Hanggang sa sama-sama silang kumain sa hapag ay walang imik si Brix, nag-aalala siya para sa ina hindi niya ito maaaring bigyan ng sama ng loob. Sana maintindihan nito ang kagustuhan niyang mapangasawa ang babaeng tinitibok ng puso niya. Isa pa nagpapagulo sa isip niya ay napag-alaman niya sa mga staff na wala sa kwarto niya si Cheska, agad siyang nagpaalam pansamantala.
“Ellen I’m sorry about Brix. I’ll talk to him again later.” wika ng mommy ni Brix.
“It’s ok tita, maybe Brix needs time and I’m willing to wait.” sagot ni Ellen.
Pumasok siya sa kwarto niya wala nga doon si Cheska, maayos na rin ang kamang pinaghigaan nito. Sigurado siyang hindi pa magada ang pakiramdam ng dalaga. Palabas na sana siya ng kwarto para puntahan ito sa mismong kwarto nito ay natawag ng kaniyang pansin ang nakabukas na drawer sa ilalim ng kama niya at nakalabas ang ilang mga litrato nila ng pamilya. Pumasok siya sa loob ng opisina at naabutan niyang nakabagsak sa sahig ang ilang dokumento na naglalaman ng impormasyon ni Jeff at ni Cheska, pati ang receiver ng telepono ay naiwanang nakalaylay. Litong-lito si Brix, alam niyang may nalaman si Cheska, parang dinudurog ang puso niya sa isiping mawawala sa kanya ang dalaga ng hindi man lang siya nakakapagpaliwanag dito.
Naabutan ni Dave na nasa isang bar si Brix at lumalagok ng alak.
“Bro i know what you’re thinking or should i say who is in your mind.” seryoso ang mukha ni Dave. Ngayon lang niya nakita na nagkakaganoon sa isang babae si Dave. Nasasaktan siya para sa kapatid dahil sa pressure ng fix marriage na gustong mangyari ng kanilang ina.
“Hindi ko makita si Cheska. Alam kong wala pang chopper ang naghatid ng guest pabalik ng Maynila kaya alam kong nandito pa siya pero hindi ko siya mahagilap. Ni ayaw niyang sumagot sa mga tawag ko.
“Dave anong gagawin ko? Ganito ba kakomplikado ang magmahal? I’m torn being a good son and being inlove.” muli itong lumagok ng alak.
“Maiintindihan naman ni mommy kung sasabhin mong may iba kang nagugustuhan, it won’t mind her lalo na ngayon sa sitwasyon niya. Ang gusto lang naman niya ang malagay ka sa tahimik.” pang-aalo ni Dave.
“Wala pang alam si Cheska tungkol sa nararamdaman ko and besides baka nga alam na niyang nagsisinugaling lang ako sa kanya. Nakita kong nakakalat ang mga dokumento nila ni Jeff sa opisina. I think alam na niya ang lahat.” wika niya.