Chapter 7
Tumayo si Cheska ay nagsimulang ikutin ang buong kwarto. Malaki ang kwartong iyon para sa isang head lang ng security ng lugar, sa isip niya. Alam niyang mamaya pa makakabalik si Brix dahil sa dahil weekend ng araw na iyon madami ang tao sa resort. Bakit ba pakiramdam niya may itinatago sa kanya si Brix? Bakit ganoon na lang ang concern nito sa kanya? Concern nga ba? Dahil kung hindi pwede naman siya nitong isuplong sa pulis or what diba? At saka ang dami nitong libreng oras para sa kanya or baka naman binabantayan lang nito ang bawat kilos o galaw niya at magtake-advantage sa kanya dahil lang sa alam nito ang krimeng nagawa niya? Sabagay, nagtake-advantage na nga ito sa kanya sa yate eh, pero hindi! Take advantage ba yun? Eh, ginusto niya rin naman ang mga nangyari. Bulong niya sa isip niya. Napadaan siya sa isang pintuan, binuksan niya iyon na isa pa lang walk-in closet. Pumasok siya sa loob, puno iyon ng mga damit na halos karamihan ay pang pormal. Head ng secuirty pero puro pormal ang mga damit? Umarko ang kilay niya. Hinatak niya ang isa sa mga drawer na andoon, nakita niya ang isang photo album, inisa-isa niya iyong buklatin. Nakita niya ang isang picture kung saan kuha iyon sa isang isla, andoon si Brix kasama ang dalawang lalaki ang isa ay mas mataas ang height sa kanya at mas mababa naman ang isa. Kasama din ni Brix sa litrato ang dalawang matanda lalaki at babae. Mga magulang siguro niya. Isip-isip ni Cheska. Katabi din ni Brix sa litrato ang isang babae na sa tantiya niya ay nasa labing walong taong gulang na na nahahawig kay Brix kaya naisip niyang nakababata niya itong kapatid. Larawan ng isang masayang pamilya. Napako ang mata niya sa matandang lalaki na nasa larawan pamilyar sa kanya ang mukha nito, hindi niya lang matandaan kung saan ito nakita. Bigla ang dagsa ng alaala sa kanya ng limang taong nakalipas.
“Daddy!! Palahaw na sigaw ni Cheska. Hindi siya makapaniwala na wala na sa isang iglap ang kanyang ama. Naalala niya pa ang usapan nila noong gabi bago ito mawala.
“Daddy namimiss ko na yung kinukwentuhan mo ako bago matulog.” lambing ni Cheska sa ama.
“Hija, hindi ka na bata para kwentuhan ko pa ng kwentong pambata” natatawang sagot ng kaniyang ama habang hinahaplos ang kanyang buhok.
“Hindi naman kwentong pambata eh, diba kinukwentuhan mo ako ng mga nagigigng adventure mo sa bundok noon kapag umaakyat ka?” wika ni Cheska. Dating hiker ang kanyang ama noong kabataan pa nito.
At ngayon hindi siya makapaniwala na wala na ang ama. Lagi siyang nakatulala sa harap ng kabaong nito habang nakaburol pa ito. Hindi siya umaalis doon. Hinihiling niyang panaginip na lang ang lahat at bigla na lang siyang magigising.
Sabi ng mga pulis may isang edad na lalaki ang nakabangga sa daddy ko. Nag-aabang ng masasakyan ang ama ko noon ng biglang may mabilis na kotse ang dire-diretsong bumangga sa waiting shade kung saan siya nag-aabang nawalan daw ito ng preno sabi ng driver. Galit na galit siya sa kung sino man ang taong iyon. Mukhang makapangyarihan ang taong iyon dahil ni hindi man lang ito nasampahan ng kaso ng kaniyang ina.
Sumapit ang huling gabi ng lamay ng kanyang ama, ang unang gabi na nakita niya ang mukha ng taong pumatay sa kanyang ama. Matangkad ito at halatang may kaya sa buhay base sa porma nito. Nakita niyang kinausap ito ng kaniyang ina. Wala man lang siyang nakitang galit sa mukha ng kaniyang ina, nag-abot ito ng isang makapal na sobre at saka umalis. Pinakatitigan niya ang mukha ng taong iyon ng mapadaan ito sa tabi niya, habang buhay niyang dadalhin sa alaala niya ang mukha ng taong iyon na kumuha sa buhay ng kaniyang ama. Hinding-hindi niya ito mapapatawad.
Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang litrato. Hindi niya malilimutan ang mukha ng lalaking ito. Anong relasyon ng lalaking ito kay Brix? Nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata niya. Kinuha niya ang picture sa album at tiningnan ang likod niyon. Bermudez Family ang naka-imprentang mga letra na nakalagay doon.
Ama ni Brix ang pumatay sa ama niya? Anak ba si Brix ng taong kinamumuhian niya?! Ibinigay niya ang sarili sa taong sumira sa buhay nilang mag-ina.
“Sabi ni Brix ay nag-iisa siyang anak?”
Nagtatakang binuklat pa ni Cheska ang ilang mga litrato na naroon. Isang magasin ang tumawag sa kaniyang pansin, ang front cover nito ay ang mukha ni Brix na hawak ang isang trophy. Napakunot ang noo niya at binasa ang detalye nito.
BERMUDEZ CLAN MADE IT TO THE TOP!
“World Luxury Resort Awards is the pinnacle of achievement by a luxury resort, offering recognition for earning the respect of guests and industry alike, and by awarding resorts as voted for by the public, across over hundreds different categories. Over the years, reputable local and international organizations recognized the group’s achievement in wellness and resort management giving the group a series of awards to be proud of.” a very well said of Brix Bermudez, the young owner of Island of Love Resort.
Parang tinulos sa kinatatayuan si Cheska sa nabasa. Si Brix ang may-ari ng resort?! Bakit kailangang magpanggap ni Brix sa kanya na isa lang itong staff sa lugar na iyon? Bakit ito nagsinungaling sa kanya? Pinaglalaruan ba siya ni Brix? Katulad din ba ito ng kaniyang ama? Pinagpaplanuhan siya ni Brix iyon ang malinaw sa isip niya. Sabagay sino ba ako para pagsabihan niya ng buong katotohanan tungkol sa pagkatao nito? Sinagip siya nito sa pagkalunod kaya katawan niya ang naging kabayaran. Masyado lang siyang nag-aasume na baka may special feelings ito sa kanya. Hilam sa luha ang kaniyang mata. Bakit ba may kirot siyang nararamdaman sa puso niya? Para saan ang sakit na iyon?
Kailangan niyang maging matatag sa kung ano man ang pinaplano ni Brix sa kanya. Nakakita siya ng isang maliit na pinto sa silid na iyon at patulak niya itong binuksan, bumungad sa kanya ang isang opisina. Malawak iyon, hindi mo aakalaing may isa pa palang malawak na opisina sa kwartong iyon. Parang may kung anong nagtulak sa kanya para pumasok sa loob. Napansin niya ang ilang papeles na nakapatong sa ibabaw ng mesa na may litrato pa ni Jeff sa ibabaw. Napakunot ang noo niya. Inisa-isa niyang basahin ang mga papel, nakalagay doon ang ilang impormasyon tungkol sa buhay ni Jeff, kalakip din noon ang portfolio kung saan nakalahad ang ilang mga impormasyon din tungkol sa kanya.
“Pinaiimbestigahan ba ako ni Brix?” lumakas ang kabog sa dibdib ni Cheska.
Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono na andoon. Nalito siya kung sasagutin ba iyon. Ngunit umiral ang kuryosidad sa isip niya. Inangat niya ang receiver ng telepono at sinikap na ikalma ang sarili.
“Hello bro, tinatawagan kita sa cellphone mo pero cannot be reached ka. Gusto ko lang ibalita sa iyo na nakalabas na ng ospital si Jeff at kasalukuyan siyang ininquest para sa pormalidad na pagsasampa ng kaso ng girlfriend niyang si Gilda, wala ka ng dapat na alalahanin tungkol kay Cheska sigurado na ang pagkakakulong niya sa tibay ng mga ebidensiya.”
“Kung ako sa iyo bro sabihin mo na ang lahat kay Cheska and set her free diyan sa resort.” tuloy tuloy ang pagsasalita ng nasa kabilang linya.
Nabitawan niya ang telepono.
“Hello bro! Still there? Bro!” ang nasabi na lang ng nasa kabilang linya.
Napaupo si Cheska. Buhay si Jeff na inakala niyang napatay niya. Matagal ng alam i Brix ang mga tungkol sa pangyayari. At si Gilda. Bakit hindi niya sakin sinabi ang lahat? Bakit natiis ako ng kaibigan ko na mamuhay sa takot dito sa isla? Alam ng mga ito na abswelto siya sa kaso pero mas pinili ng mga ito na huwag sabihin sa kanya ang buong katotohanan. Araw-araw siyang pinahihirapan ng konsensiya niya halos ginusto niyang wakasan na lang ang buhay niya. Ilang kasinungalingan pa ni Brix ang kailangan nyia pang malaman? Litong-lito ang isip niya.
Namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak, sigurado siyang mahahalata siya ni Brix kapag bumalik na ito. Lumabas siya ng kwarto. Sa likod siya dumaan para walang akakita sa kanya. Pumunta siya sa kubo kung saan nangyari ang lahat at doon nagpatuloy sa pag-iyak.
“Bakit ka sakin nagsinungaling Brix? Ano ba talagang motibo mo?” bulong niya a hangin.
“Alam mo nga kaya na ako ang anak ng taong pinatay ng ama mo?” mga katanungang pilit na nagsusumiksik sa isip ni Cheska.
.