Chapter 6 - Planning to Seek

1473 Words
Chapter 6 Niyakap siya ni Brix at hinaplos ang buhok niya. Ilang segundo rin silang nasa ganoong posisyon nang bumalik sila sa mga sarili nila. Bigla nilang hinamig ang isa’t-isa. Maya- maya ay naramdaman nilang pumapatak ang ulan kaya nagtago sila sa isang malaking bato na nakausli sa sulok ng lugar. Umupo sila habang hinihintay na tumila ang ulan. “Tingin mo hindi ako makukulong?” muling tanong ni Cheska. “Hindi ka makukulong dahil pinagtanggol mo lang naman ang kaibigan mo.” sagot niya saka ngumiti sa dalaga. Abswelto ka na! Pero hindi ko masabi sa iyo. Baka kapag nalaman mo bigla ka na lang umalis sa isla! Sigaw ng isip ni Brix. Ano ba Brix! Bakit ba nagkakaganyan ka! Saway niya sa sarili. “Tinanong mo ako kanina kung ano ang gusto ko sa isang lalaki.” sabi ni Cheska habang nilalaro sa mga kamay ang mga patak ng ulan. Tumango naman si Brix. “Para sa akin sino nga naman ang ayaw sa isang lalaki na maganda ang estado sa buhay? Bawat babae iyon ang pangarap sa buhay, ang maikasal sa mayaman, maikasal sa simbahan ng bongga. Makasama ang lalaking kaya mong ipagmalaki sa lahat.” sagot ni Cheska. “Pero iba ako, ang gusto kong lalaki yung kayang sakyan ang lahat ng trip ko sa buhay, yung lalaking hindi magsasawa na amuin ako kapag tinotopak ako.Kaya akong samahan hanggang sa dulo kahit ano pa ang pagdaanan namin. Yung simple lang. Ayoko ng mayaman. Kapag mayaman kasi puro trabaho ang mga nasa isip nila halos wala ng oras para sa pamilya.” ngumiti si Cheska na para bang nangangarap ng gising. “Paano naman kung yung lalaking nagustuhan ng puso mo malayo sa naiisip mong makasama?” tanong ni Brix. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya. “Ibig kong sabihin, minsan kasi iyong mga bagay na nilalagyan natin ng standard sa isip natin kabaliktaran iyon sa mga nangyayari o dumarating, paano kung dumating ka sa ganoong sitwasyon?” tanong ni Brix. Napaisip si Cheska. Ano nga ba ang gagawin niya? “Siguro depende sa nararamdaman ng puso ko. May rason kasi ang bawat tao na pinagtatagpo ng Diyos. Puso ang magpapasya.” seryosong sagot ni Cheska. “Tatanggapin ko kung sino man ang ibigay sa akin di naman natin mauutusan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin diba? Basta may tiwala kayo sa isa’t-isa sapat na yun.” dagdag ni Cheska. “Hoy! Tulala ka na diyan!” puna ni Cheska. “Ah wala, a-ano kasi baka hinahanap na ako sa isla.” wika niya sabay tayo. Hindi niya alam bakit itinatanong niya kay Cheska ang mga ganoong bagay. May gusto na ba talaga siya sa dalaga? Alam niyang ikagagalit ng dalaga kapag nalaman nitong inilihim niya na abswelto ito sa mga nangyari sa kaibigan nito. Paalis na sana sila pero lalong dumilim ang langit ang bumuhos ang napakalakas na ulan. Dali-dali nilang hinanap ang bangkang sinakyan pero tinangay na pala ito ng malakas na alon dahil kumalas ito sa pinagtatalian. Hinampas sila ng malakas na alon kaya bumalik sila sa loob ng kweba para muling sumilong. Sinubukan ni Brix na kontakin ang mga staff ng resort para marescue sila sa lugar pero walang signal sa gawing iyon ng resort. No choice sila kundi palipasin sa lugar ang sama ng panahon. Tumataas na rin ang tubig sa kinaroroonan nila, masyadong mataas ang mga bato kung aakyat sila sa tuktok. Mabuti na lang at madaming sulok ang kweba na pwede nilang pagtaguan pa. Kapwa sila nanginginig na sa lamig. Napakalakas ng ulan na sinamahan ng malakas na hangin. “Cheska, kailangan nating mainitan kung hindi mamamatay tayo sa lamig” anas ni Brix, nawawalan na rin siya ng boses dahil sa sobrang lamig. Sa pagitan ng kulog at kidlat ay tumango si Cheska kahit hindi niya alam kung anong balak gawin ni Brix. pakiramdam niya doon na siya mamamatay. Hinubad ni Brix ang damit niya noong una’y bantulot si Cheska pero napapapayag niya na rin ito. Magkayakap ang mga hubad nilang katawan sa buong magdamag sa sulok ng kwebang iyon. Nagising si Brix sa tama ng liwanag ng araw sa mata niya, umaga na pala. Kinapa niya ang cellphone n nabasa ng rin ng lakas ng ulan kagabi. Nakapatay ito, nalowbat na siguro, sa isip-isip niya. Pinagmasdan niya si Cheska, nagbihis siya at akmang gigisingin niya ito para magbihis na rin pero napansin niyang inaapoy ito ng lagnat gawa ng magdamag silang nabasa ng ulan. Binihisan niya ito at ginising pero ungol lang ang naririnig niya dito. Sinalat niya ang noo nito, nataranta siya dahil inaapoy ng lagnat si Cheska. Muli niyang kinapa ang cellphone pinipilit niyang mabuksan iyon kahit magkaroon man lang ng maliit na pag-asa na makakontak siya sa isla. Sakto namang bumukas ito sa aandap-andap na natitirang battery nito at saka naman ito tumunog bago pa siya makapagdial ng numero. “Sir, nasaan po kayo? Ano pong lagay niyo? Kagabi pa po namin kayo hinahanap.” sunod-sunod ang naging bungad ng isa sa mga kanyang tauhan. “I’m ok pero itong kasama ko hindi. Magpadala ka dito ng magsusundo sa amin sa lalong madaling panahon!” saktong sinabi niya ang kanilang lokasyon ay namatay na ng tuluyan ang cellphone niya. Wala pang kinse minutos ay dumating na ang motor boat na sundo nila. Agad bumaba ang dalawang security at nilagyan agad ng balabal na kumot si Brix at si Cheska na saktong kakagising lang ng mga oras na iyon. Halos hindi ito makatayo sa sobrang taas ng lagnat. Pagdating nila sa isla ay agad niyang dinala sa clinic ng lugar na iyon si Cheska, may sariling silang medical team sa lugar in case na magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari sa mga guest. Nang masiguro na bumaba na ang lagnat ni Cheska ay pinalipat niya ito sa kwarto niya. “Bro, hindi ba mas maigi kung dalhin mo na siya dito sa ospital sa Manila? Taas baba kamo ang lagnat niya.” wika ni Dave sa telepono, nagrequest siya dito na tawagan ang private doctor nila para sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapakawalan ang dalaga. Natatakot ba siya na kapag bumalik ito ng Manila ay hindi na ito bumalik sa isla? “Hayaan mo na lang ako Dave, please.” sagot niya. “Ano bang nangyayari sa iyo? Parang hindi ikaw yan Brix, you’ve changed mula ng makilala mo ang babaeng iyan. Ikaw ang hinahabol ng mga babae huwag mo sanang kalimutan. Masyado ka na yatang nahuhumaling sa babaeng iyan.” sermon ng kanyang kapatid. “Huwag mo ring kalimutan na may kailangan kang ipagtapat sa babaeng iyan. Paano kung hindi niya matanggap na nagsinungaling ka sa kanya na nabuhay siya sa takot dahil sa iyo?” dagdag ni Dave. “Sa ngayon ayaw ko munang isipin yan. I’ll promise na kapag gumaling na siya sasabihin ko sa kanya ang lahat” pangako ni Brix. Alam niyang nag-aalala sa kanya ang kapatid dahil ngayon lang siya nagkaganito sa isang babae. “It’s up to you bro, basta nandito lang ako nakasuporta sayo, balitaan mo na lang ako sa kung ano man ang mangyari” paalala niya sa kapatid. Maya-maya pa ay dumating na ang doktor at nagreseta ng ilang mga gamot sa dalaga. “Tawagan mo ako agad kung sakaling magtaas baba parin ang lagnat niya.” bilin ng doktor. “Salamat Dok, ingat po kayo.” paalam ni Brix at saka niya ito hinatid sa labas ng kwarto niya. Pagbalik niya sa kwarto, naghanda kaagad siya ng cold compress at pinunasan ito sa buong katawan. Binuksan niya ang butones ng pantulog nito at napalunok siya dahil naalala niya ang mainit na tagpo na pinagsaluhan nila ng dalaga sa yate. Napailing siya. Kailan pa siya naging ganito sa isang babae? Karamihan sa nakakasama niya sa kama ay agad niyang nalilimutan. Tinitigan niya ito, mahal na nga ba niya ang babae? “Sorry kung hindi ko masabi sa iyo ang totoo.” bulong ni Brix sa natutulog na dalaga. Pagkatapos ay tumayo na siya at lumabas. Lingid sa kanyang kaalaman ay gising ang diwa ni Cheska. Alam nito ang bawat ginagawa niya at sinasabi niya. Masakit na masakit ang ulo niya halos hindi niya magawang idilat o magsalita sa panghihina niya. “Ano ba talagang itinatago mo sa akin Brix?” litong-lito ang isip ni Cheska. Isang plano ang nabuo sa isip ng dalaga. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Brix isang umaga na dinalhan niya ng mga prutas si Cheska. “Medyo nahihilo pa ako. Ayos lang ba kung mag-stay pa ako ng ilang araw dito sa kwarto mo? Pakiusap ni Cheska na nagkunwaring nanghihina pa. “Oo naman magpagaling ka hanggang gusto mo.” ani Brix. Hinaplos nito ang ulo niya na parang bata. Ngumiti ng palihim si Cheska.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD