“Ashley?” pinitik pa ni Brix ang daliri niya para bumalik siya sa huwisyo.
“Wala m-may naalala lang ako, may gagawin pa pala ako sa isla kaya pwede mo na ba akong ihatid mamaya?” iniba niya ang usapan na para bang hindi niya narinig ang una nitong sinabi na alam nito ang lahat. Natatakot siya sa mga susunod pang sasabihin nito sa kanya.
“Oo ihahatid na kita mamaya, may kailangan din akong gawin.” naramdaman ni Brix ang pag-iiba ng paksa ng dalaga at ang pagkabahala nito.
Alam niyang ako ang may gawa nun kay Jeff! Lord tulungan niyo po ako! Baka gawin niya akong s*x slaved kapalit ng sikreto ko. Palihim niyang kinakausap sa isip ang sarili.
“Ashley, you can trust me.” biglang sabi ni Brix sa gitna ng katahimikan nilang dalawa. Nagulat si Cheska sa tinuran nito na para bang nababasa nito ang mga naiisip niya. Hindi pa rin umimik si Cheska sa kabila ng mga sinabi nito.
“Stay with me at the island habang inaayos ko ang lahat para sa iyo.” sabi pa ni Brix.
Pagkababa nila sa dalampasigan ay may nag-aabang ng dalawang pulis sa kanila pero naka-civillian ang mga ito sa request na rin ni Brix para hindi mabahala ang ibang mga guest na naroon. Hinatid muna ni Brix si Cheska sa kwarto nito bago humarap sa mga pulis.
“Stay in your room and keep in touch with me.” inabot niya sa dalaga ang calling card niya.
“Don’t panic and stay calm.” sabi pa nito.
“S-sige” nauutal na sagot ni Cheska. Hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay niya bago umalis. Pakiramdam ni Cheska napakatagal ng mga sandali sa kwartong iyon hanggang sa nakatulugan na lang niya ang pag-iisip.
“Here is the evidence.” nilapag ni Brix sa mesa ang cellphone niya habang nagpi-play ang isang video kung saan nagtatalo si Gilda at Jeff hanggang sa humantong ito sa pagpukpok ni Cheska ng bato sa ulo nito para ipagtanggol ang kaibigan. Kapwa nanonood ang dalawang pulis at si Dave na siyang naghatid sa mga ito sa isla.
“Ibinigay ko na rin sa Attorney ko ang kopya ng video na yan.” wika ni Brix sa mga ito. Pagkatapos mapanood ng mga pulis ang video ay saglit pa silang nag-usap usap bago nagpaalam ang mga ito. Hihintayin na lang nila na magising si Jeff sa pagka-comatose bago kumilos kung magpafile ba ito ng demand against Cheska.
Nagising si Cheska sa tama ng liwanag ng araw sa mukha niya.
“Nakatulog pala ako.” Inikot niya ang tingin sa buong kwarto niya at saka siya napabuntung hininga.
Mapagkakatiwalaan ko ba talaga si Brix? What if ipahuli talaga niya ako sa pulis at nagkukuwari lang siyang mabait? Alam na niya ang mga nangyari. Nabangga ko siya nang gabing iyon baka nasundan niya ako at nakita ang buong pangyayari. Isip-isip ni Cheska.
“Kailangang huwag akong magpakampante sa kanya. Kailangan kong malaman ang mga ikinikilos niya. Tama! Kailangan kong sakyan ang taong iyon at mapaniwala siya na nagtitiwala ako sa kanya at saka ako kukuha ng tiyempo na makaalis sa islang ito at doon na ako sa Manila magtatapat sa mga pulis ng mga nangyari.” wika ni Cheska sa sarili habang nakaharap sa salamin.
Lumabas siya ng kwarto at nagsimulang magmasid. Nakita niya sa di-kalayuan si Brix na may kausap sa telepono, nakatalikod ito sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit mula sa likod nito.
“Dave, I’ll let Cheska know everything ok? Don’t worry she’s safe with me.” sabay tawa ni Brix. Kumunot ang noo ni Cheska sa narinig. Sinong kausap ni Brix at ano ang dapat kong malaman?
Lumayo ng ilang dipa si Cheska at nagkunwaring kakarating lang.
“Brix!” tawag niya dito. Napalingon si Brix at agad na pinatay ang cellphone.
“Kanina ka pa ba nandiyan?” nanunukat ang mga tingin ni Brix.
“Ah, kakalabas ko lang ng kwarto ng makita kita dito. Kakalapit ko lang. Bakit?” sagot ni Cheska dito at tinitigan sa mga mata si Brix, gusto niyang makita sa mga mata nito kung may itinatago ba ito sa kanya.
“W-wala naman. May gagawin ka ba ngayon?” ani Brix.
“Balak kong mag-ikot ikot sa isla.” matipid niyang sagot.
“Samahan kita gusto mo? Day-off ko naman ngayon.” alok ni Brix.
Tama, papayag akong samahan niya ako para masabi ko sa kanya ang tungkol sa nangyari kung ano ang balak niya sa mga nalalaman niya sakin. Naglalaro sa isip ni Cheska ang isang plano. Kailangan niyang malaman kung kakampi niya ba ito o kalaban.
Sa pag-iikot nila sa isla dinala siya nito sa isang bahagi na walang ibang tao. May nakadaong na isang bangka sa banda roon.
“May tagong paraiso sa lugar na ito, pumupunta ako doon kapag gusto kong magrelax at makapagisip.” wika ni Brix at saka siya inalalayan para sumakay ng bangka. Ilang minuto silang sakay ng bangka bago narating ang lugar. Muli siyang inalalayan nito pababa ng bangka. Sabay silang pumasok sa isang maliit na pasukan na gawa sa bato.
“Hide-out namin ito noon ng mga kapatid ko kapag tumatakas sa mga magulang namin kapag napapagalitan kami.” kwento nito.
Bumungad sa kanila ang parang isang lawa sa loob ng isang kweba. Kapag tumingala ka naman ay makikita mo sa itaas ang mga nagtatayugang mga puno. Ang sikat ng araw ay direktang tumatama sa tubig kaya para bang nagiging mala kristal ang liwanag ng tubig. Tagong tago ang parteng iyon ng lugar hindi mo aakalaing may nagtatagong ganda sa loob nun.
“Ang ganda naman dito!.” bulalas ni Cheska. Umupo sila sa gilid sa may batuhan.
“Ang swerte ng mga anak ng may-ari ng resort na ito kasi mayroon silang sariling paraiso na pwedeng ipagmalaki sa mga susunod pang henerasyon ng angkan nila. Takbuhan ng mga taong stress sa buhay na mayroon ang siyudad.” wika ni Cheska.
“Ano kaya ang itsura ng mga anak ng may-ari ng lugar na ito? Balita ko’y mga bachelor daw ang mga anak nila. Usap-usapan kung gaano sila kagwapo doon sa bar na pinuntahan namin. Pero wala naman akong nakikita ni isa sa kanila na andito sa lugar.” dagdag pa niya.
Muntik ng mabilaukan si Brix. Walang nakakaalam sa lugar na iyon na anak siya ng Bermudez Clan. kaya ang napag-uusapang gwapo na nakikita ng mga staff ay ang dalawa niyang kapatid na si Carlo at Dave.
“May sasabihin sana ako sa iyo.” sabay nilang wika sa isa’t-isa.
“Ikaw muna.” sabay din nilang sagot at saka sila natawa.
“Ano bang gusto mo sa isang lalaki? Karamihan kasi sa mga babae ngayon praktikal na, gusto nila yung stable na ang buhay ng lalaking para sa kanila.” seryosong taong ni Brix.
“Bakit mo naitanong?” nabiglang wika ni Cheska, hindi niya expected ang gannoong klase ng tanong mula kay Brix. Dahil ba sa may nangyari sa kanila sa yate?
“W-wala lang! A-ano kasi.” walang maisip na idahilan si Brix. Bakit nga ba niya naitanong ang ganoong klase ng katanungan?
“Y-yung nangyari satin sa yate, huwag kang mag-alala wala kang pananagutan sa akin. Nadala lang tayo ng sitwasyon. Huwag mo ng isipin yun.” wika ni Cheska, ni hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Brix.
“Ikaw, ano nga palang sasabihin mo?” tanong ni Brix para mawala ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.
“Brix, yung tungkol sa, sa- tungkol sa nangyari kay Jeff.” panimula niya. Sumeryoso ang mukha ni Brix nang marinig ang tinuran niya.
“Hindi ko yun sinasadya! Pinagtanggol ko lang si Gilda. Pinagtanggol ko lang ang kaibigan ko. Baka mapatay niya si Gilda kaya-” pero pinutol na ni Jeff ang saasabihin niya.
“Kaya pinatay mo si Jeff?” seryosong tanong ni Brix.
“Hindi ko siya pinatay! Hindi ko sinasadya!” nanginginig si Cheska, bumalik sa kanya ang takot napatayo siya sa kinauupuan. Nagsimulang dumaloy ang mga luha sa mata niya.
Nabigla si Brix sa reaksiyon ni Cheska ramdam niya ang trauma nito sa nangyari. Tumayo rin siya at niyakap ito.
“Alam ko, alam kong hindi mo sinasadya. Shh! Tahan na. Magiging ok rin ang lahat.” alo niya rito.
“Alam mo? Anong alam mo? Nakita mo ba ang buong pangyayari?” tanong ni Cheska.
“Nakita ko ang lahat ng nangyari. Nasaksihan ko ang lahat. Sinundan kita nang gabing iyon.” seryoso ang mukha ni Brix. Itinago niya sa dalaga na nairecord niya sa cellphone ang mga nangyari, hindi niya rin alam kung bakit.
“I-isusumbong mo ba ako sa mga pulis?” biglang nagbago ang reaksiyon ni Cheska itinulak siya nito.
“Hindi. Hindi kita isusumbong. Hangga’t nandito ka sa isla hindi ka nila huhulihin.” sagot niya. Hindi niya masabi sa dalaga na comatose lang si Jeff at hindi naman talaga namatay. Hindi niya masabing naaprubahan ng mga pulis ang pinakita niyang ebidensiya at wala itong kaso kahit pa magising si Jeff at magsampa ng demanda.
“Tulungan mo ako.” nagsusumamo ang mga mata ni Cheska. Malayong-malayo ang Cheskang kaharap niya sa Cheskang una niyang nakilala na matapang at spoiled brat na babae.