Chapter 4 -Night Affair

1410 Words
Nang magising si Cheska ay napakasakit ng ulo niya, parang dinuduyan ang pakiramdam niya. Bago sa paningin niya ang kinaroroonan niya. Anong klaseng lugar ito? “Nasaan ako?” kinabahan si Cheska. Huli niyang naaalala ay lumangoy siya para mahimasmasan ang lungkot na nararamdaman niya, wala naman siyang balak na magpakalunod pero bigla siyang pinulikat. Tumayo siya, iba na ang suot niyang damit. Maluwag iyon at halatang panlalaki ang suot niya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Brix. “Oh, gising ka na pala.” tiningnan siya ni Brix mula ulo hanggang paa. “Bastos ka talaga! Anong ginawa mo sa akin? Asan ako?!” histerikal na sigaw ni Cheska. “Aba naman! At ikaw pa talaga ang galit pagkatapos kitang sagipin kagabi!” madiin ang pananalita ni Brix. “Para sabihin ko sa iyo, pinagpyestahan na sana ng mga pating yang katawan mo kung hindi kita nakita.” nanunukat ang mga tingin ni Brix. “Sana nga hindi mo na lang ako sinagip! Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo!” sabay hagulhol ni Cheska. Pakiramdam kasi niya na-corner siya nito. Ilang minuto rin siyang umiiyak sa harapan ni Brix. Parang kandilang itinulos si Brix nang makita si Cheska na umiiyak at nasasaktan. At hindi niya gusto ang nakikita niya. Dahan-dahan siyang lumapit kay Cheska at parag batang yumakap ito sa kanya. Hinaplos niya ang buhok nito, ramdam niya ang halo-halong emosyon na nararamdaman nito. Hindi niya alam kung paano iko-comfort ang dalaga. Itinaas niya ang mukha nito, pinunasan ng mga palad niya ang mga luha nito sa pisngi. Hindi niya maiwasang mapatitig sa dalaga. At para siyang nabatubalani. Unti-unti niyang ibinaba ang mukha niya, pinapakiramdaman niya kung itutulak ba siya ng dalaga pero nagpaubaya si Cheska. Marahan niyang hinalikan ang mga labi nito. Bawat halik ay puno ng pag-iingat. Hindi alam ni Cheska kung bakit hinahayaan niya ang sariling gawin sa kanya iyon ni Brix na hindi naman talaga niya halos kilala. Pakiramdam niya nakahanap siya ng comfort zone sa mga bisig nito. Habang tumatagal ay lumalalim ang halik nito. Napuno ng pagnanasa ang bawat kilos ng labi nito. Naramdaman na lang ni Cheska na naipasok na nito ang kamay sa loob ng suot niyang t-shirt. Napasinghap siya. “Hindi pwede!” sigaw ng utak niya. Pero parang wala siyang lakas para pigilan ito. Marahan itong lumayo sa kanya at nagpaalam. “Can we do this?” tanong nito. Hindi siya umimik bagkus ay hinapit niya ang katawan nito bilang pagpayag. Hindi niya namalayang kapwa na sila walang mga saplot sa katawan. Kinuha nito ang kamay niya at pinalandas iyon sa buong katawan ni Brix na para bang isang manlililok na kinakabisa ang bawat parte ng obra niya. Sa buong buhay ni Cheska ngayon lang siya nakahawak ng isang hubad na katawan ng isang lalaki kaya ramdam niyang namumula ang mukha niya habang ginagawa nila ang bagay na iyon. Bawat halik ni Brix ay nagdadala sa kanya ng libo-libong boltahe na bago sa kanyang pakiramdam. Magdamag nilang pinagsaluhan ang mainit na tagpong iyon. Kinabukasan ay maagang nagising si Cheska wala na sa tabi niya si Brix. lalabas sana siya ng cabin nang maulinigan niyang ay kausap sa telepono si Brix. “Thank you for doing this to me bro I owe you this time.” narinig niyang sabi nito. “So? Anong plano mo? Sasabihin mo ba sa kanya?” tanong ni Dave. “Not now, not now.” umiiling si Brix. “Don’t tell me na balak mo siyang paglaruan. Ikaw na ang nagsabi she’s the innocent type. Don’t play your game with her. Ikaw rin. Karma is digital.” sermon nito sa kapatid. “Humahanap lang ako ng tamang timing to tell her.” sagot ni Brix. Walang maintindihan si Cheska sa mga naririnig. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Ano yung sasabihin sa kanya? Tanong ni Cheska sa sarili. “Sinong kausap mo?” biglang labas ni Cheska sa cabin. “Ah wala naman, staff lang. May ilang dokumento sa opisina na kailangan kong pirmahan para sa mga guest na gustong mag-invest sa isla.” kaswal na sabi ni Brix. “Opisina? Akala ko head security ka lang? Diba CEO ang gumagawa niyan?” tanong ni Cheska. “Ano kasi, ah parte rin kasi yun ng trabaho ko. Naka-leave kasi ang gumagawa nun kaya sa akin muna nakatoka.” palusot pa nito. Pero kitang-kita ni Cheska kung paano mag-iwas ng tingin si Brix sa kanya at feeling niya may tinatago ito sa kanya. Sabagay, sino ba siya para alamin ang buhay nito? She’s one of the bitches staying overnight with his bed. Bitches. Natawa siya sa tawag niya sa sarili niya. Desperada na yata siya at pinayagan niyang may mangyari sa kanila kagabi. Bakas pa ang dugo sa kama nito katibayan na birhen siya nang makuha siya nito. Pero wala na sa kanya yun, paano kung talagang makukulong siya? Tatanda siya sa kulungan baka mga preso o warden pa ang makakuha ng virginity nya. Atlest kay Brix nag-enjoy pa siya. Hoy! Cheska! Naririnig mo ba iniisip mo?! Pinagalitan niya ang sarili. “Kain muna tayo, nagluto ako.” alok ni Brix sa kanya. Naamoy nga niya na may niluluto ito. Hinanda na nito ang mesa. Sinangag at buttered shrimp ang niluto nito, nagtimpal rin ito ng hot chocolate. Inikot niya ang mata sa labas ng yate, puro tubig ang nakikita niya pakiramdam niya nasa gitna sila ng karagatan. “Kailan tayo babalik sa isla?” tanong niya. “Ah mamaya pagkatapos nating kumain.” sagot nito. At nagsimula na nga silang kumain. Habang kumakain ay pinagmamasdan ni Cheska ang bawat galaw ni Brix. Pino itong kumain at halatang may alam sa table etiquette kung hindi nito sinabi na nagtatrabaho ito sa isla ay baka mapagkamalan niya pa itong isa sa mga may-ari. Napansin niya ring malambot ang mga palad nito para bang hindi ito sanay kumayod na katulad ng sa isang kalabaw. “Gaano ka na katagal nagtatrabaho sa isla?” usisa niya habang marahang ngumunguya ng pagkain. Bahagya pang nagulat si Brix sa tanong niya. “Matagal na. Dito na ako halos lumaki dahil dito rin nagtrabaho noon ang mga magulang ko.” parang wala sa loob na sagot nito. “Nasaan na sila? May mga kapatid ka ba?” muli niyang tanong. “Para ka namang si Detective Conan kung magtanong. Akala ko almusal ‘to bakit may kasamang interrogation?” biro ni Brix. Pero hindi man lang natawa si Cheska waring may iniisip ito. “Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?” tanong ni Brix. “Tatlo na lang kami ng mommy ko kasama ang isa ko pang kapatid na babae na nasa Japan. Maliit pa lang ako nang mamatay ang daddy ko sa isang aksidente. Hit and run sabi ng mommy ko. Mayaman ang nakasagasa kaya hindi kami nabigyan ng hustisya.” malungkot ang himig ni Cheska na nakatitig lang sa plato niya. “May negosyo kami pero feeling ko hindi ko iyon forte. I’m looking for something. Wala pa sa isip ko hawakan ang naiwang negosyo ng daddy ko.” ani Cheska, nakatingin lang sa kanya si Brix at matamang nakikinig. “Bakit ka nag-iinom sa dalampasigan kagabi? Bakit ka nagpaiwan dito sa isla, nalaman ko na umuwi na ang mga kaibigan mo sa Manila.” pag-iiba ni Brix sa topic. Napatigalgal si Cheska sa tanong ni Brix, hindi niya inaasahan ang tanong nito. Sa tono ng taong nito ay alam niyang may alam ito sa mga nangyari. Sinusubukan ba siya nito? “Aaminin ko, alam ko ang buong pangyayari. Ikaw ang dahilan sa nangyari kay Jeff.” tumiim ang tingin niya sa dalaga, sinusukat niya kung magsasabi ba ito ng totoo. Bigla ang balik ng reyalidad sa isip ni Cheska. Nagbabanta ang luha sa mga mata niya. Ayaw niyang makulong. “Wala akong kasalanan diba? Pinagtanggol ko lang si Gilda. Hindi ko sinasadya ang nangyari.” bigla ang pagbabago ng emosyon ni Cheska. Bumalik ang takot sa buong pagkatao niya na pansamantala niyang nakalimutan sa buong magdamag. Hinawakan nya ang mga kamay ni Brix. “Brix nakikiusap ako tulungan mo ako. Ayokong makulong.” aniya sa nagsusumamo na tinig. “Kahit ano gagawin ko para sayo tulungan mo lang ako.” desperada na yata si Cheska kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyon. Ito ang mga katagang gusto sanang sabihin ni Cheska habang kaharap si Brix pero iba ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD