Andy's POV Hindi na talaga ako mapakali kaya nag-excuse na ako sa adviser ko na magrerestroom kunwari. Para mahanap ko si Drex. Ramdam ko kasing may mali talaga kanina pa. Ewan ko ba. Yung dibdib ko kumakalabog ngayon. Parang feeling ko may kung ano ng nangyayari sa kaniya. Hinanap ko siya sa buong school. Pero wala talaga. Nandito ako ngayon sa may parking lot. Nagbabaka sakali na baka nandito siya. Pero bigo ako. Wala siya. Nang pabalik na ako sa loob ay saktong may naaninag ako sa taas. Nakita si Drex sa rooftop. Nakatanaw siya sa kalangitan. Nakatayo siya doon sa harang na mismo. Nanlaki ang mata ko ng makita siya. Nagmadali akong umakyat papunta sa rooftop. Ang dahilan kung paano ako agad nakarating sa rooftop ng ganon kabilis ay hindi ko alam. Basta nang makaakyat ako ay agad akon

