Andy's POV Nang makarating akong school ay agad na akong bumaba ng sasakyan ko. Sakto namang pagkababa ko ay dumating ang isa pang sasakyan kaya napahinto ako. Nakita kong bumaba doon si Drex. Tapos umalis na yung kotse. Hmm. May driver pala siya. Nagmadali naman akong tumakbo at hinabol siya. "Drex! Uy Drex!" sigaw ko. Nang lingunin niya ako ay kumaway ako saka siya nilapitan. "Hey, Andy. Goodmorning." bati niya. "Goodmorning!" masigla kong bati at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Tara sabay tayo." sabi ko. Marahan niya lang akong tinanguan tapos ay sabay na kaming naglakad papasok ng school. Dinadaldal ko siya habang naglalakad kami sa hallway. Halos nakwento na yata buong buhay ko pero puro tango at ngiti lang ang sinasagot niya sa akin. Well, sabagay quiet type siya eh. Lagi

