Eirol's POV Inaya ko si Maddie magdate ngayon. At on the way na ako sa kanila ngayon para sunduin siya. Nasa tabi ko ang isang bouquet ng bulaklak na binili ko muna bago pumunta sa kanila. Napapangiti na lang ako kapag naiimagine ko ang itsura niya. Lalo na ngayon at magkikita ulit kami. Ewan ko ba. Iba na yata talaga ang tama ko sa kaniya. Hahaha! Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang bulaklak. Tapos dumiretso na ako sa gate nila at nagdoorbell. Ilang saglit lang ay lumabas na si Maddie. Naka floral off-shoulder dress siya ngayon. Napatitig na lang ako sa kaniya. Ang ganda niya talaga. Sinalubong niya naman ako na nakakunot ang noo. "O, bakit ganiyan ka makatitig?" mataray niyang sabi. Nabalik ako sa wisyo nang magsalita siya. "Ahh.

