Cyleen's POV Nandito ako ngayon sa garden namin. Kasalukuyang sumisimsim ng tea si Mom habang ako ay nagbabasa ng libro. "Leen, may gusto sana akong sabihin sa iyo." bungad ni Mom sabay lapag ng tea cup niya. Natigil naman ako sa pagbabasa at saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Ano po iyon, Mom?" tanong ko. "Kung pwede sana ilipat muna kita sa public school? Hindi kasi natin kakayanin dahil sa laki ng tuition mo at sa bayad ko sa home schooling ni Noreen. Hindi ko kayo pwedeng pagsabayin." sabi niya. Bigla naman akong nasaktan. Ever since kasi si Noreen na ang priority ni Mom. Naghhome schooling ito dahil natatakot si Mom na mag-seizure ito sa school. Atleast dito ay nababantayan siya. "B-Bakit po Mom?" tanong ko. "Nagsipag back out ang mga investors natin. Nammroblema kami ng Papa

