Eirol's POV Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Maddie. Alam kong ilang beses niya na akong tinanggihan sa tuwing pupunta ako dito pero hindi ako susuko hangga't hindi siya nakikipag-usap sa akin. Napatayo ako nang lumabas siya ng gate nila. Nakita ko sa mukha niya ang gulat sa mga mata niya. Tila hindi niya inaasahan na makikita ako dito. Babalik na sana ulit siya sa loob nang pigilan ko siya. "Maddie. Please." pagsusumamo ko. Hindi siya natinag. "Ano pang ginagawa mo dito, Eirol?" walang emosyon niyang tanong. "Gusto kita makausap." sabi ko. "Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan pa dito. Tapos na tayo." sabi niya at akto na sanang tatalikod sa akin nang magsalita ako kaya napahinto siya. "Aalis na kami. After 2 days. Sa amerika na kami muna maninirahan. Hindi ko ala

