Gian's POV Gising na si Leen ngayon. At kami ng mga kaibigan niya ang nagbabantay ngayon dito sa kaniya. Tuwing gabi kasi ang parents niya ang nandito. Nandito kaming lahat kwera lang kay Eirol at Maddie. Hindi ko alam kung anong nangyari sa dalawa after nung mag-walk out si Maddie. Magmula nang magising si Leen ay hindi ko pa siya nakakausap. Wala pa kasi akong lakas para kausapin siya. Inaamin kong nakokonsensya talaga ako. Napatingin ako sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakikipagtawanan ngayon kila Louise at Andy. Meron siyang gasa sa ulo. Tapos may simento ang kaliwang binti niya dahil napilayan siya nung mahulog doon sa scaffolding. Sa tuwing pagmamasdan ko ang lagay niya ngayon ay lalo akong nakokonsensya. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganon nung time na iyon. "Gian." rinig

