Eirol's POV Lumipas ang dalawang araw na hindi pa kami nagkakausap ni Maddie. I tried to contact her pero never siyang sumagot sa mga tawag ko or sa messages ko. Tingin ko binlock niya ako. Sinubukan ko ding puntahan siya sa kanila pero halos mamuti lang ang mata ko kakahintay sa kaniya sa labas nila. Si Tita Aubrey niya lang ang lumalabas para humingi ng paumanhin sa akin dahil hindi niya daw makumbinsi si Maddie na kausapin ako. Dahil nagkulong daw ito sa kwarto at maski siya ay hindi kinakausap. Sabi ni Gian nagising na din daw si Leen kahapon. Kaya for sure pupunta si Maddie doon. Hindi ko alam kung pupunta pa ako. Ayaw niya akong makita. Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitawan niya. Hays. Anong gagawin ko eh nasaktan din ako? Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hawak ang ele

