Cyleen's POV Hindi sinabi sa akin ng adviser ko kung sino ang tutor ko. Basta niya na lang binigay ang address. Basta ang alam ko lang sa Eastwell din nag-aaral. Wala akong ideya kung anong grade level. Siguro mga grade 3 pababa? Well, hula lang naman. Baka kasi mamaya eh highschool din pala tulad ko. Nandito ako sa harapan ng isang gate. Tinignan ko pa ulit yung minessage ng adviser ko na address para i-double check kung ito nga ba yung bahay na nakasaad sa address. Namg mapagtanto kong ito nga iyon ay agad ko ng pinindot ang doorbell. Ilang saglit lang ay lumabas ang isang maid. "Kayo po ba yung hinihintay na tutor ni Sir?" tanong ng maid. Tumango ako. Kaya nga binuksan niya na ang gate at pinapasok ako. Inaya niya na ako papasok ng bahay kaya naglakad na kami patungo doon. Bigla na

