Louise's POV Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon. Suot ko na din ang dress na binili ko kanina lang sa mall. I'm getting ready for the date. Simpleng plain black off-shoulder dress ang suot ko at beige stiletto. Dahil five-star restaurant daw ang meeting place sabi ni Dad ay kailangang medyo formal ang suot ko. Nang matapos akong magmake up ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti na lang ako. I should be happy. I should forget Ethan. Mukhang kinalimutan niya din naman ako eh. Napatayo ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Come in!" sabi ko kaya nga bumukas ang pinto. Pumasok si Dad tapos nakangiti siyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "What do you think Dad? Bagay ba?" tanong ko at umikot pa para makita niya ang dress na suot ko nang maayos. Nakangitin

