Maddie's POV
Gabi na, 11:26 pm na. Pero ito ako nakabukas pa ang ilaw ng kwarto ko at nakaharap sa laptop ko. Naka videocall kasi ako kay Mama ngayon. Ayaw pa yata ako patulugin nito. Palibhasa umaga sa kanila ngayon kaya ang taas ng energy niya dahil nakatulog na siya. Inaantok na nga ako eh.
Halos mahikab-hikab na ako sa mga kinukwento niya sa akin. Pero ang kinaiinis ko, yung lagi niyang sinasabi sa akin ay sinabi niya na naman. Nabibwisit kasi ako sa paulit-ulit na bagay.
"Anak, Iyah--" simula niya. Napabuntong hininga naman ako. Alam ko saan na papunta ito.
"Anak, Iyah sorry ah? Sorry talaga."
"Mama. Ayan na naman po kayo. Sabing ayoko po ng paulit-ulit eh. Naririndi na po ako."
"Pero anak. Sorry talaga. Kasi walang time si Mama para sa iyo. Masyado kasi akong busy dito eh. Halos sa screen lang nga kita nasusubaybayang lumaki, saka alam mo naman na para sa'yo ito di ba? Hayaan mo, pipilitin kong umuwi diyan sa birthday mo."
"Hays, Mama. Wag niyo na pong pilitin ang sarili niyo. Saka sanay naman na po ako na sa screen ko lang po kayo nakikita. Don't worry about me Ma, I'm not a kid anymore. Naiintindihan ko po kayo." sabi ko.
"Basta, itatry ko talagang umuwi diyan sa birthday mo. Wether you like it or not. Saka It's almost 12 years na rin na hindi kita nakikita in person. Bakit? Hindi mo ba ako namimiss?"
"Syempre naman Mama namimiss ko na rin po kayo! Pero--" naputol ang sasabihin ko nang maghikab ako.
"Oh. Naghihikab ka na. Inaantok ka na ba?" tanong niya. Marahan akong tumango.
"Oh, sige matulog ka na. Good night! Sweet dreams anak! I love you! Bukas na lang tayo mag-usap." sabi niya. Kumaway na ako kay Mama as a sign of goodbye at saka pinatay na ang laptop ko. And then humiga na agad ako sa kama ko at natulog.
_
Kinabukasan...
Habang bumababa ako ng hagdan naaamoy ko na agad ang mabangong breakfast. Pagkarating ko sa dining room nakahain na ang agahan ko. Si Tita Aubrey laging nasa trabaho kaya sanay na akong kumain ng agahan na mag-isa.
"Goodmorning po Mam Iyah. Nakahain na po ang breakfast niyo!" bati nung maid. Tumango lang ako at saka kinain ko na ng mabilis ang breakfast ko at umakyat ulit sa kwarto ko para maligo at magsipilyo. Then after that ginamit ko ang blower ko para matuyo agad ang buhok ko at pumunta na ako sa closet ko para kunin ang uniform ko.
Nung nakahanda na ako para pumasok, bumaba na ako sa garage para kunin na ang bike ko pero nakita kong nakakadena ito at may padlock pa. Agad ko namang tinawag ang maid.
"What the! Bakit nakakadena yung bike ko?" I asked.
"Umm. Mam Iyah sabi po ng Tita Aubrey niyo wag daw po namin muna ipapagamit yung bike niyo sa inyo." sabi nito.
"Ano?! Bakit naman daw huh? At saka anong gagamitin ko papuntang school kung kinadena niya itong bike ko."
"Hindi niyo daw po kasi ginagamit yung kotse niyo eh. Kaya po iyan pinakadena ng Tita niyo yung bike ninyo para magamit mo naman daw po yung kotse niyo." sagot ng maid. Napasinghap na lang ako.
"Okay, fine! Panalo siya. Nasaan ang susi ng sasakyan?" tanong ko. Dali-dali namang kinuha ng maid ang susi ng kotse saka inabot sa akin. Kaya nga sumakay na ako sa kotse. Hindi na ako makikipagtalo at baka mahuli pa ako sa klase.
Nang makarating akong school ay agad ko ng pinarada ang kotse ko tapos dumiretso na ako papuntang room. Pagkadating ko doon wala pa sila Andy, Louise at Leen. Kaya nga umupo na lang muna ako sa pwesto ko at nagsapak ng earphones sa tenga. Pero ilang saglit din naman ay dumating na sila. At umupo sa tabi ko.
Napakunot naman ako ng noo nang tumayo sa harapan ko yung bwisit na lalaki kahapon. Inalis ko ang earphones ko at hinarap siya. Nasa likod niya yung lalaking nanglait daw kay Louise.
"Ano na naman bang gusto mo huh? Gusto mong masaktan ulit?" banta ko. Ngumisi naman siya.
"Woah. Easy. I'm not here to argue. I'm here to introduce myself. Kasi ang rude naman kung hindi ako magpapakilala sa classmate ko di ba?" sabi niya. Napairap ako.
"Wala akong pake sa iyo. Layas!" masungit kong sabi. Pero hindi ito natinag kaya nabwisit ako.
"I'm Eirol James Cabrera. That guy with poker face is Gian Ford Rodriguez. And the guy who is wearing a thick glasses is Shawn Drexler Gatdula."
"And I'm Francis Ethan Montereal at your service." nakangiti namang sabi nung nasa likuran nitong Eirol. Hindi ako nagsalita. Dinedma ko sila. Pero dahil dakilang mabait itong si Andy. Siya ang nagsalita.
"Ako si Selena Andrea. Ito naman si Cyleen Allyson. Si Cassandra Louise. Saka si Alliyah Maddieson." nakangising sabi ni Andy. Sinaway ko naman siya.
"Oh, nice to meet you. Sana ay maging maayos ang pagsasamahan natin as classmates." nakangiting sabi ni Eirol pero sa akin niya binaling ang tingin niya. Inirapan ko siya ulit.
"Tapos na introduction niyo di ba? Ngayon. Layas!" sabi ko.
"Sungit. But I like the way you do it. How strange." sabi ni Eirol sabay tinitigan ako. Bwisit talaga itong lalaking ito. Hindi talaga ako tatantanan.
Sakto namang pumasok na ang teacher kaya finally lumayas na sa harap ko yung Eirol. Itinabi ko na din sa bag ko ang earphones ko at nagpay attention sa teacher na magtuturo sa harapan.
_
Tita Aubrey texted me na pumunta daw ako sa café na malapit dito sa school. Kaya agad akong pumunta doon at nagpasama kila Louise. Hindi ko alam bakit niya ako pinapapunta pero mukhang urgent kaya dumiretso kami agad doon.
Nang makarating kami doon. Halatang bagong gawa ang café. Hindi ko alam bakit hindi ko ito napansin? Di ako nainform na may malapit pa lang café dito sa school.
Agad umorder sila Louise ng bibilhin nila at naupo sa isang pwesto. Ako naman ay lumapit kay Tita Aubrey na nakaupo 5 tables away sa pwesto nila Louise.
"Have a seat." simula ni Tita. Kaya nga naupo na ako sa katapat niyang upuan. Sumimsim muna siya ng kape at saka bumaling sa akin.
"So, what do you think about this café?" nakangiting tanong ni Tita. Nilibot ko naman ang mata ko sa paligid. Rustic ang style nung café pero maganda. Nakakarelax ang atmosphere.
"Maganda po." sagot ko. Bakit naman kaya nagtatanong ng ganito si Tita? Pinapunta niya ba ako dito para ijudge itong café?
"Well, It's all yours." nakangiting sabi ni Tita. Literal namang napanganga ako sa sinabi niya.
"Po?" tanong ko na nagtataka sa sinabi niya.
"I said, this is yours Maddie." she said.
"Seryoso po ba kayo?" tanong ko. Tumango si Tita.
"Bigay ng Mama mo ito sa iyo. Matagal niya itong pinag-ipunan for you. Ito daw ang regalo niya sa iyo."
"Pero Tita. Ano namang alam ko sa pagpapatakbo nitong café? Ni hindi pa nga ako nakakatungtong ng kolehiyo." sabi ko. Eh sa wala naman talaga akong alam sa pagpapatakbo ng business.
"Don't worry, Iyah. Hindi naman ipapasan sa iyo ito ng Mama mo totally. Ako pa din naman ang magmamanage nito hangga't sa wala ka pa sa tamang edad. Pero tuturuan kita ng mga basics sa pag-aalaga ng isang negosyo." sagot ni Tita. Speechless akong napatingin sa kabuuan ng café. I can't believe it na akin itong café na ito. Alam ni Mama kung gaano ko kagusto magkaroon ng isang café. She knows how I love baking. Pero hindi ko lubos akalain na totoohanin niya yung sinabi niya sa akin noon na pag-iipunan niya ang ninanais kong dream café ko. Hindi pa din ako makapaniwala.
Nang matapos ang usapan namin ni Tita ay umupo na ako sa tabi nila Louise.
"So, this is yours huh? Nice." bungad ni Louise.
"You heard us?" tanong ko.
"Yep. Not my fault na sadyang narinig ko ang pinag-uusapan niyo ng Tita Aubrey mo." sabi ni Louise sabay simsim sa frappé niya.
"Kakaiba din si Tita Liyanel ha? Binigay yung dream mong café." sabi ni Leen.
"Yep. Hindi pa din ako makapaniwala." sabi ko.
"Ano namang alam mo sa pagpapatakbo nito sis?" tanong ulit ni Louise.
"Wala syempre. Pero sabi ni Tita Aubrey tuturuan niya daw ako. For now siya muna ang magmamanage kasi wala pa naman ako sa tamang edad." sagot ko.
"Nice pa din pala. Ang cool kaya nito. Finally may tambayan na tayo. Yey!" tuwang-tuwang sabi ni Louise.
"Does this mean libre kami lagi dito?" nakangiting sabi ni Andy.
"No way. Edi nalugi ito." sabi ko sabay tumawa nang mapapout si Andy.
Nang makauwi na ako ay agad kong tinawagan si Mama para kausapin about sa café.
"Hello, anak." bati niya sa akin ng nakangiti. Mukhang nasabi na sa kanya ni Tita Aubrey na alam ko na ang about sa café.
"Ma, you don't need to do that." sabi ko. Syempre kahit sobrang thankful ako dahil tinupad ni Mama ang dream café ko ay nahihiya pa din ako. Kasi pera niya iyon. Pinaghirapan niya.
"Anak, don't be sorry. Ginawa ko lang iyan para sa ikakasaya mo. Alam ko kung gaano mo kagusto ang baking. Tinupad ko lang ang pangako ko sa iyo na ipagtatayo kita ng dream café mo."
"But, don't you think It's too early para gawin Ma? I'm still young." sabi ko. Nagkibit-balikat naman si Mama.
"Well, ano naman? Malapit ka na din naman magkolehiyo. You will need that. Saka para extra money na din sa iyo, anak. Don't worry binilin kita kay Tita Aubrey mo na antabayanan ka regarding sa café mo." sabi niya.
"Thanks, Ma. I won't let you down. Susundin ko po lahat ng ituturo ni Tita about sa pagpapatakbo ng café." nakangiti kong sabi.
"I believe in you, anak. I know the café will be in good hands." sabi niya. Tumango ako.
"Osige, anak. Tomorrow na lang ulit ha? Medyo busy dito ngayon eh. See you soon. Bye! I love you."
"Sige, Ma. Bye po. I love you." I answered. Then I ended the call. Sakto namang pagka-end ko ng call ang paglitaw ng isang notification.
Eirol James Cabrera sent you a friend request.
Kunot noo ko namang tinignan ang profile nung Eirol.
Sige hala, Maddie. I-stalk mo pa yung mokong. Sige lang. Parang pinakita mo na din na may interes ka sa kanya.
Hindi ko na lang pinansin ang friend request niya at saka natulog na lang. Tss. Pag-inaccept ko yan baka ano pa isipin non.