6: Double Date

1694 Words
Eirol's POV "Brad, hindi pa ako inaaccept nung Maddie sa facebook." sabi ko kay Ethan. Nandito kami ngayon sa bahay nila para tumambay. "Baka di ka trip. Tigilan mo na kasi. Halata namang walang interes sa iyo yung tao." nakangising sabi ni Ethan. "Ewan ko ba? There's something special about that Maddieson eh. Di ko siya magawang tigilan." sabi ko. Oo inaamin ko ang lakas talaga ng trip ko nung unang beses na makita namin sila. Ganon naman kasi talaga ako eh. Pero kakaiba itong si Maddie sa lahat ng babaeng nakikita ko. Bukod sa maganda siya. Ang cute niya kapag nagsusungit siya. Hahaha! Kaya tuwang-tuwa akong asarin siya. "Tinamaan ka lang eh. Hahaha! Na-love at first sight." sabi ni Ethan. "Baka nga. Ganda eh brad." kibit balikat ko. Natawa naman siya sabay napailing-iling. "Who's that girl na medyo conyo? What's her name again?" biglang tanong ni Ethan. Napaisip naman ako. "Who?" "Yung panay pagpapaganda." tanong niya. Ako naman ang napangisi. Mukhang natipuhan ni gago yung Louise ah? "Ahh. Yung Louise ba?" tanong ko. "Yeah. That's her." sabi niya. "Trip mo brad?" nakangisi kong sabi. "Well, she's pretty. Kaso maarte." sabi niya. Hmm. May naisip tuloy akong kademonyohan. Bakit hindi ko ipush itong kaibigan kong si Ethan kay Louise para naman may kasa-kasama ako kapag pupuntahan si Maddie. "Nako, pre. Sunggaban mo na iyan. Mukhang magkakasundo kayo." sabi ko. Na itinutulak siya kay Louise. "Me and that girl? I don't think so. Ayoko sa maarte. Maganda siya. I like her beauty pero I don't like the attitude. Wait guys kuha ko lang kayong maiinom." sabi ni Ethan saka tumayo at nagtungo papunta sa kusina. Bigla namang may gumuhit na ngiti sa labi ko nang makita ang cellphone ni Ethan. Eh itong mokong na ito hindi mahilig maglagay ng password. Mwahaha! "Ano na namang binabalak mo Eirol?" tanong ni Drex. "Well, I'm gonna play the role cupid." nakangisi kong sabi. Napailing-iling na lang si Drex. Agad kong sinearch ang f*******: account ni Louise. Tapos agad akong nagsend ng friend request. Ilang segundo lang ay inaccept na iyon agad. Hmm. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana. At dahil nga inaccept na ni Louise ang friend request ni Ethan este friend request ko ay agad ko itong chinat. Sakto online siya. Hehe. Me: Hi. Thank you for accepting my friend request. Louise: Yeah, you're welcome. Maliit na bagay. Me: Can I invite you tomorrow? Sineen ito ni Louise. Akala ko di na magrereply pero nagreply din naman pala agad. Louise: Where? And for what? Are we close? Me: Well, that's why I'm inviting you. So that we can be close. Alam kong hindi naging maganda ang unang impression natin sa isa't-isa. Napahalakhak naman ako sa kagaguhan ko. Wala ka ng takas Ethan. Mwahaha! Hindi na nagreply si Louise kaya agad ulit akong nagtipa ng message. Me: Don't worry, you can bring your friend Maddieson with you kung naiilang ka pa. Louise: Why Maddie? Hindi naman kaya si Maddie ang pakay mo talaga? Bakit hindi siya ang ichat mo? Tsk. Si Maddie talaga pakay ko oy! Sadyang di pa talaga inaaccept friend request ko. Me: Well, I'm coming with my friend Eirol. Type niya si Maddie. So, can you do me a little favor to set them up? Louise: Oh, I see. Well, knowing Maddie hindi iyon papayag. Pero I'll try my best to convince her. Me: So, are we settled? Sakto namang nakita kong paparating na si Ethan kaya agad ko ng binitawan ang cellphone niya at nagkunwaring walang ginawang kagaguhan. Hahaha! "Oh, mga brad. Sorry natagalan. Nag-cr din muna ako eh." sabi niya sabay lapag ng juice at donuts sa harap namin tapos naupo na siya. Agad naman akong humablot ng donut nang saktong tumunog ang phone ni Ethan. Nang kuhanin niya ang cellphone ay kumunot ang noo niya sabay napatingin sa akin. "You did this, didn't you?" "Ahh. Hehe. Ayos lang yan brad. Sige na. Uwi na ako. May date pa tayo bukas. Mwahaha!" sabi ko sabay tumawa at agad sumakay ng sasakyan. Narinig ko na lang na sinigaw ni Ethan ang pangalan ko bago ko pinaharurot ang sasakyan ko. Hahaha! Kilala ko iyan si Ethan. Hindi yan makakahindi. Ethan's POV Baliw talaga iyong si Eirol sukat idamay pa ako sa kagaguhan niya? "We're gonna head out na brad. Goodluck sa date niyo bukas." sabi ni Gian at saka tinap ang balikat ko. "Bukas na lang." sabi ni Drex sabay sumabay na kay Gian. Napatingin naman ako sa phone ko na may last message nung Louise. Louise: Okay then, see you tomorrow after class. :) Napapikit akong mariin. Gusto ko sanang ichat at sabihin na pinagttrippan lang ako ni Eirol. Na hindi ako yung nagchat sa kaniya kundi si Eirol. Pero bakit ganon? Bakit hindi ko magawa? Maganda naman itong Louise. Kaso mukhang maarte eh. Ayoko pa naman ng babaeng ganon. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Magpapatianod na lang ako. Alam kong binalak ito ni Eirol para makasama niya yung Maddie. Saka simpleng date lang naman ito. Hindi naman siguro masusundan pa. It's just a date Ethan. Bakit ka ba natetense ng ganiyan? Isipin mo na lang na para ito sa gago mong kaibigan na si Eirol. Tsk. _ Kinabukasan... Nang mayari ang klase ay nilapitan na kami ni Louise. Hatak-hatak niya si Maddie sa likod niya na mukhang napilitan lang. Itong si Eirol naman todo ngisi. Paano, nagtagumpay kasi ang plano niya. "Let's go guys?" tanong ni Eirol. Abot hanggang tenga pa din ang ngiti. "Sure." sabi ni Louise at ngumiti sa akin. Ngumiti na lang din ako. Nag-aya sila Louise sa café na malapit sa school. Ngayon lang ako nakapunta dito. Well, total. Mukhang bago ang café. Naupo kami sa isang bakanteng upuan. Magkatabi kami ni Eirol. Tapos magkatabi si Louise at Maddie. Pero katapat ko si Louise tapos katapat naman ni Eirol si Maddie. Tahimik lang kaming apat hanggang sa makaorder na kami. Itong si Eirol nakapalumbabang nakatitig lang kay Maddie. Si Maddie halatang naiirita na. "Excuse me. Cr lang ako." paalam ni Maddie. Pero nakita naman naming palabas ng café ang punta niya. Si Eirol naman agad napatayo at sinundan ito. "Maddie!" tawag ni Louise at saka tinanaw ang kaibigang paalis. Na sinundan naman ni Eirol. "Don't worry. Babalik din iyon dito maya-maya. Kukulitin ni Eirol iyon." sabi ko. "Ahh. Yeah. Sorry sa kaniya. Pinilit ko lang kasi iyan dito. Hehe." sabi niya. "It's okay. Thank you sa effort mo." sagot ko. Tapos nabalot kami ng katahimikan. Dumating na ang order namin. Kaya nagsimula na kaming kumain. "Paano yang food na inorder ng dalawa? Wala pa sila eh." sabi niya sabay tumanaw pa ulit sa labas. "I-take out na lang natin." sabi ko. "Better." sagot niya saka nagsimula na kaming kumaing dalawa. "So, kaya mo lang ba ako inaya dito is para lang iset up ang kaibigan mo sa kaibigan ko?" pranka niyang tanong. Napatigil naman ako. "Actually. Hindi ako yung nag-aya sa iyo eh. Hindi ako yung nagchat sa iyo kagabi." sagot ko. Napatigil naman siya sa pagkain at binaling ang atensyon sa akin. "What do you mean?" "Si Eirol talaga yung nagchat sa iyo kagabi. Magkasama kasi kami kagabi. Kinuha niya ang phone ko nang malingat ako. Tapos chinat ka. Para mapasama mo si Maddie." sabi ko. Ayoko kasing magsinungaling. "So, uhm. Parang napilitan ka lang ngayon kasi dahil sa kaibigan mo? Hindi talaga ikaw ang nag-aya sa akin?" tanong niya. Ewan ko ba pera parang sa tono niya ramdam kong disappointed siya. "P-Parang ganon na nga." sagot ko. Napatango siya ng marahan saka ipinagpatuloy ang pagkain niya. Hindi na kami nag-usap pa after non. Eh ano bang sasabihin ko? I'm not good at bringing up conversations. Dahil hindi na nakabalik sila Eirol ay tinake-out na ni Louise ang pagkaing inorder ni Maddie at Eirol. Siya na sana ang magbabayad nang unahan ko siya. "Ako na magbabayad ng bill." sagot ko. Napatingin siya sa akin. "Wag na nakakahiya. Kaya ko naman. Kaya ako na lang." sabi niya. "No, I insist. Ako na lang." sabi ko sabay lapag ng pera doon sa bill plate. Hindi naman na siya nakatanggi pa. Sabay na kaming lumabas ng café at nagalakad patungong school. Hindi pa din siya nagsasalita. Nang makarating kaming school napatigil siya sa paglalakad. Kaya napahinto din ako. Nakita ko siyang lumapit sa isang matandang pulubi. Iniabot niya ang pagkaing tinake out namin sa café. Tapos inabutan niya pa ito ng pera. Napangiti ako sa ginawa niya. She's not that bad pala after all. Pasakay na sana siya ng sasakyan niya nang tawagin ko siya. "Uhm, Louise?" napalingon siya sa akin. Naghesitate pa ako kung anong sasabihin ko. Bakit mo nga ba siya tinawag Ethan? "You have something to say?" tanong niya. "U-Uhm. Can we--uhm." ano ba yan Francis Ethan bakit ka nauutal? Kumunot naman ang noo ni Louise. "C-Can I invite you again next time?" lakas loob kong tanong. Natigilan naman siya. "Sige. Sure. Isama ko ba ulit si Madds para sa friend mo?" tanong niya. "U-Uhh. No need. I-Ikaw lang sana. Just the two of us." hindi siya sumagot. Parang inaabangan niya pa ang susunod na sasabihin ko. "Alam kong mali ang first impression natin sa isa't-isa. Kaya gusto ko sanang bumawi? I want to fix the bad impression that I gave you. I want to know you more." nauutal kong sabi. Napatitig siya sa akin kaya kinabahan ako. Akala ko irereject niya ako. Kasi hindi siya sumasagot. Pero nang makita ko ang ngiti sa mga labi niya ay nabuhayan ako. "Sure. Chat mo na lang ako." sabi niya saka nagpaalam na. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa makalayo na ito. Napangiti na lang ako ng walang dahilan. Ewan ko ba bakit parang tuwang-tuwa ako. Nakonsensya lang naman ako kasi mali pala ang pagkakakilala ko sa kaniya. Hinusgahan ko agad siya. Akala ko tulad siya ng ibang maaarte'ng babae na nakilala ko. Pero gaya nga ng sabi ni Eirol kay Maddie. There's something special about this girl that interests me. Hays, Ethan akala ko ba isang date lang? Bakit humirit ka pa? Ano bang binabalak mo? Nahawa ka na ba sa kabaliwan ni Eirol?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD