Drexler's POV Maaga akong nakapasok ngayon sa school as usual. Ako naman laging nauuna pumasok. Normal na sa aking maabutang walang tao dito sa room. Naupo ako sa pwesto ko at inayos ang gamit ko. Nang mapansing wala ang libro ko sa filipino. "Baka naiwan ko sa locker." sabi ko sa sarili ko at akma na sanang lalabas ng room ng saktong paglapit ko sa pinto ay siya namang pag-untog nito sa akin. Napaatras ako dahil doon at napahawak sa noo kong tumama sa pinto. "Hala! I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko sa harapan ko yung babaing nakita ko noon na kumakain ng cheetos. Kaibigan nung babaeng kinukulit ni Eirol. "O-Okay lang ako." sabi ko at inayos ang sarili ko. "Sure ba? Mukhang nasaktan ka yata eh. Napalakas tulak ko sa pinto. Akala ko kasi wala

