Eirol's POV Excited akong nag-ayos ngayon ng sarili dahil maya-maya lang ay pupunta na ako kila Maddie. Ala una ang napag-usapan na pupunta sa kanila. Pero syempre mauuna ako. Mwahaha! "Hmm. Ano kayang pabango ang magandang gamitin?" sabi ko at namili sa bote ng mga pabango kong nakadisplay dito sa lamesa ko. "Ahh. Ito na lang. Para amoy hottie. Panigurado maiinlab si Maddie nito. Mwahaha!" sabi ko at nagspray ng pabango sa buong katawan ko. Tapos tumingin pa ako ulit ako sa salamin para icheck ang sarili ko. "Mabango? Check. Gwapo? Check na check!" sabi ko at saka masayang lumabas na ng kwarto ko. Nagpaalam na ako kila Mama na pupunta na ako sa kaklase ko. Pumayag naman siya. Kaya agad na akong umalis. Kanina ko pa hindi maiwasang mapangiti. Syempre dadaan muna ako sa isang flower sh

