Maddie's POV Nang makalayas na si Eirol ay agad na akong pumasok sa loob. Dinampot ko ang cellphone na nasa coffee table at agad ding umakyat papunta sa kwarto ko. Nagpatihulog ako sa kama saka binuksan ang cellphone ko. Kaso nagulat ako dahil iba ang lockscreen nito. Napagtanto kong hindi sa akin ang cellphone na hawak ko ngayon. Napapikit na lang ako ng mariin nang mapagtagpi sa aking isipan na nagkapalit kami ni Eirol ng cellphone. Luckily, walang password ang cellphone niya kaya agad kong nabuksan. I-didial ko na ang number ko dahil tatawagan ko ang cellphone ko na nasa kaniya. Nang pang-anim na digits pa lang nattype ko ay lumitaw agad ang isang saved contacts. Which is ang number ko. At ang nakapangalan pa ay 'Labidabs'?! Paano nakuha ng mokong na ito ang number ko? Ni hindi ko

