TAHIMIK si Eveleen habang inaayos ang mga gamit sa pagtunog ng bell. Isang oras na break time ang ibinigay sa kanila ngayong tanghaling ito. “Tara, doon tayo kumain sa resto ng tito mo. Treat ko,” yaya ni Tiffany sa kanya kasabay ang pagliligpit ng mga gamit nitong nasa arm chair. “Huwag kang humindi, please. Gusto ko lang na makausap ka. I don’t know but I feel worried about you.” “O-okay.” “Don’t worry, wala akong ibang isasama. Hindi ko isasama si Pia. Tayo lang ang mag-uusap.” “Pero bakit, Tiffany?” Naunang tumayo ang dalaga sa kanya kaya tiningala niya ito. “You’ll hear my story later. Let’s go.” Tinayo siya nito. “Ano’ng gusto mong kainin? Steak?” Sabay silang naglakad palabas ng classroom. “Tiffy!” Nahinto sila sa paglalakad palabas ng academy nang marinig ang pagtawag

