HIHINGAL-HINGAL si Eveleen habang kaliwa’t kanan kung tingnan ang paligid. Kung kanina’y kaunti pa lang ang estudyanteng naglalakad o pumaparada sa labas ng St. Montecarlo, parami na nang parami ngayon. Napatingin tuloy siya sa relo kung ano’ng oras na. Kalahating oras pa bago magsimula ang klase nila. Napasipa siya habang ikinukuyakoy ang mga paa. Hindi niya na gugsutuhin pa sanang tumambay roon pero nangako siya kina Tiffany at Pia kagabi na hihintayin niya ang mga ito upang sabay-sabay na silang pumasok sa loob at makapagkwentuhan pa saglit. Nakita niya ang parating na kotse. “Ano ba naman ‘yan!” pag-aalburoto niya kasabay ang pagbuga ng hangin. Umagang-umaga kanina ay nang-good time na naman si Janus sa kanya. Tila nagugutuhan nitong asarin siya o mang-trip dahil sa nakasama ito k

