Ellie’s POV “Malalim yata ang iniisip mo?” Bumalik ako sa ulirat nang ilapag ni Arya ang dala nitong juice at cookies sa harapan ko. Nasa veranda kami at kasalukuyang nagpapahangin. Katatapos lang ni Arya bumisita sa mga plantasyon at agad itong dumiretso sa akin para samahan ako. Kasama ko kanina si Manang Cora rito kanina ngunit bumaba na rin ito dahil magluluto pa raw umano siya. Nakatanaw ako sa malayo nang datnan ako ni Arya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit wala ako sa sarili matapos malaman ang ibinalita ni Arya tungkol sa kondisyon ko. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang iniisip ko. “Arya, kung nagsisimula nang bumalik ang mga nawalang ala-ala ko, ibig sabihin ay kahit anong oras o araw ay tuluyang malaman ko na ang totoo kong pagkatao, tama?” Tumingala ako sa kaniya. Sinundan

