50 Ellie’s POV “Bakit ka nandito?” pang-uulit ko kay Sydney. Hindi ito agad nakasagot nang makita niya ako. Tila nagulat ito nang madatnan ko siya rito sa harap ng condo ni Keeion. Hindi niya siguro inaasahan na makikita niya ako. Baka nga wala rin siyang alam kung ano ang nangyari sa akin. Well, ilang buwan din akong namalagi sa Hacienda kaya posibleng wala itong alam dahil sa tagal na hindi niya ako nakita. Kilala ko na si Sydney noon pa man. Bago pa lang kami magkakilala ni Keeion, nasa tabi na niya ito. Eh, paano, siya lang naman ang nag-iisang Anak ng business partner ng Daddy ni Keeion noon pa man na nagsisimula palang ito. Kaya malapit din si Sydney sa pamilya Ruiz. Mabait ito kapag kaharap ang pamilya ni Keeion. Pero pagdating sa akin, halos sunggaban na ako nito. Noon pa man,

