Arya’s POV Matapos ang dalawang oras na pagkakatulog, nagising na rin ako. Hindi pa nga sana ako magigising ngayon kung hindi lang ako nag-alarm. Sinadya kong mag-alarm dahil alam ko sa sarili ko kung gaano ako kaantukin. Aminado akong tulog mantika talaga ako at hindi magigising nang kusa kaya lagi kong karamaya ang alarm clock ko. Pagkarating namin kanina galing sa Puhon Falls, agad na akong umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga. Feel ko kasi kulang na kulang pa ang tulog ko. Isa pa, sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover at isa ring dahilan iyon kung bakit tahimik lang ako sa buong paglalakad namin pauwi kanina. Halos wala ngang kibuan kanina sa amin dahil lahat kami ay may hangover na iniinda. Paano naman, naparami ang inom kagabi. Hindi ko nga alam kung ilang bote ang ininom

