Ellie’s POV Hindi ko alam kung bakit big deal kay Senyora Keilah ang kwartong papasukan ko. Ito naman ang kwarto na ibinigay sa akin simula nang tumira ako rito sa mansiyon nila. Kaya how come na ang kwarto ni Keeion ang itinuturo niya ngayon na kwarto ko? “You should be with Keeion. Dapat ay nasa iisang kwarto lamang kayo. Kung may hindi man kayo pagkakaintindihan, then fix it. Hindi iyong hahantong kayo sa point na magse-separate pa kayo ng kwarto.” Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan. Sabog ba si Senyora? Bakit naman kami magsasama ni Keeion sa iisang kwarto? Hindi porket personal assistant niya ako ay lagi na kaming magkasama maging sa pagtulog. Ano iyon? Isa ba iyon sa requirements ng pagiging personal assistant nila? Hindi na ako hinintay ni Senyora magsalita. Humakban

