Ellie’s POV Matapos pumasok ni Keeion sa loob ng banyo, dumiretso naman ako sa kinauupuan niya kanina. Mini sala set ito na nasa gilid ng glass window ng kwarto nito malapit sa balcony. Nakasara man ang sliding door doon, tanaw ko pa rin ang lawak ng balcony na iyon dahil gawa sa glass ang pinto. Malayong mas malawak ang kwarto nito kumpara sa kwarto na tinutuluyan ko. Mukha nga itong master’s bedroom, eh. Natuon ang atensiyon ko saglit sa pinapanood nito sa 75 inches flat screen tv na nakadikit sa wall. Hindi ko alam kung movie ba ito o series pero isa lang ang sigurado ko, action ang genre nitong naka-play ngayon sa screen. Mahilig pala siya sa action genre. Wala sa interes ko ang action genre kaya agad akong na-boring sa pinapanood. Mas gustuhin ko pang manood ng historical-fantasy

