Keeion’s POV Hindi na ako muling nakatulog matapos kong makita si Ellie na namimilipit sa sakit sa ulo. Nagising ako dahil sa malakas na daing nito. Ganoon na lang ang matinding kaba ko noong makita ko siyang nakasalampak sa sahig na hawak-hawak ang kaniyang ulo. Sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman, halos sabunutan na niya ang kaniyang buhok. May ilang butil na rin ng luha ang umaagos sa kaniyang pisngi. Dali-dali akong bumangon sa sofa. Hinawakan ko ang magkabilaang balikat nito. Sinubukan kong pigilan siya sa pagsabunot sa kaniyang buhok. Pag-aalala ang bumalot sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. “Ellie, a-anong nangyayari?” “Iyong ulo ko… A-Aray!” Ang

