Ellie’s POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin dahil sa bukas na bintana. Kahit pa sumilip na si haring araw, hindi pa rin mainit. Presko pa rin ang simoy ng hangin na humahampas sa aking balat. Ilang minuto rin akong nakatulala nang ma-realized kong wala ako sa kwarto. Napabangon ako nang wala sa oras. Inilibot ko ang paningin sa munting silid na pinagtulugan ko. Nasa bahay-kubo ako. Pumikit ako upang alalahanin ang nangyari kagabi. Kasama ko ang pinsan ni Keeion kagabi. Siya ang huling taong kasama ko. Hindi kaya nakatulog ako habang kausap siya? Napansin kong nakaawang ang pinto ng silid na ito. Hindi man ako bumangon upang buksan ‘yon nang tuluyan, makikita ko pa rin ang labas nito dahil sapat na ang space ng nakaawang na pintong ‘yon. Nakita ko mula sa lab

