Cyfer’s POV “Oh, Senyorito Cyfer, anong ginagawa niyo riyan? Gabi na at baka malamok pa kayo riyan.” Napalingon ako sa taong nagsalita. Kahit pa ang ilaw na naggagaling lang sa kubo na ito ang narito kaya hindi ko maaninag ang buong mukha ng taong nagsalita, nakilala ko pa rin kung sino ito dahil sa kaniyang boses. Si Manang Cora. “Ayos lang ako, Manang. Huwag kayong mag-alala na baka malamok ako dahil naka-sweatshirt naman po ako,” nakangiti kong ani. “Maya-maya rin po ay papasok na rin ako. Nagpapahangin lamang po ako ng ilang minuto.” “Ganoon ba? Oh sige, iho, mauna na ako sa loob. Sumunod ka na lamang doon.” Hindi man nito makita, tumango pa rin ako. Hindi pa rin talaga nagbabago si Manang, napakamaalalahanin pa rin talaga niya. Naalala ko tuloy noong bata pa lang ako at dito a

